Ang pagpapagaling sa ketongin
January 10, 2003 | 12:00am
ANG ketong ay kinatatakutang sakit. Ang mga ketongin ay inihihiwalay sa karamihan. Noong kapanahunan ni Jesus, dapat ipahayag ng mga ketongin na silay di-malinis. Ang Ebanghelyo sa araw na ito ay nagsasaad sa atin tungkol sa isang ketongin na lumapit kay Jesus at humiling na siyay pagalingin (Lk. 5:12-16).
"Nang si Jesus ay nasa isang bayan, isang lalaking ketongin ang lumapit sa kanya. Pagkakita ng ketongin sa kanya, itoy nagpatirapa at lumuhod sa kanya, Ginoo, kung ibig ninyo, akoy inyong mapagagaling. Hinipo siya ni Jesus at ang sabi, Ibig ko; gumaling ka! Pagdakay nawala ang kanyang ketong. At pinagbilinan siya ni Jesus: Huwag mong sasabihin ito kaninuman. Sa halip ay pumunta ka sa saserdote at pasuri. Pagkatapos, maghandog ka ng aning iniuutos ni Moises, bilang patotoo sa mga tao na magaling ka na. Ngunit lalo pang kumalat ang balita tungkol kay Jesus, kayat dumagsa ang napakaraming tao upang makinig at magpagamot sa kanya. At si Jesus ay laging nagpupunta sa ilang na pook at nananalangin."
Tayoy hindi mga ketongin. Subalit nagdadala tayo ng isang sakit na mas malala pa kaysa ketong. Tayoy mga makasalanan. Sa kuwento ni Lukas, hindi iniwasan ni Jesus ang ketongin. Hinayaan niyang lumapit sa kanya ang ketongin. Sa mapagkumbabang kahilingan ng ketongin, hinipo ni Jesus ang ketongin at pinagaling ito. Iniwan ni Jesus ang kaluwagan at maalwang pang-Diyos na pamumuhay. Naparito siya sa lupa. Hinanap niya ang mga makasalanan. Naparito siya upang hipuin tayo. Nais niya tayong mapagaling.
Dapat nating naising mapagaling. Na mahipo ni Jesus. Alam ng bawat ketongin ang kanyang nakalulunos na kondisyon. Nais niyang mapagaling, maligtas. Dapat din nating kilalanin at tanggapin na inilalagay tayo ng ating kasalanan sa isang mas nakalulunos na kondisyon na higit pa sa kondisyon ng isang ketongin. Dapat na mapagkumbabang lapitan natin si Jesus at hilingin sa kanya na tayoy pagalingin.

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended
November 30, 2024 - 12:00am