^

PSN Opinyon

Sisibakin na si Gen. Matillano sa CIDG kaya nag-iipon na ng pera?

BANAT NI BATUIGAS - Bening Batuigas -
NAGSARA ng negosyo si Metro Manila jueteng king Tony Santos. Pero lilinawin ko mga suki, walang kinalaman sa pagsara ni Santos sa kampanya ni Interior Secretary Joey Lina na supilin ang jueteng sa bansa sa loob ng isang taon. Kaya napilitang iligpit ni Santos ang kanyang negosyo ay dahil sa sobrang kasuwapangan sa intelihensya ng taga-Criminal Investigation and Detection Group (CIDG) sa Camp Crame. He-he-he! Siguradong milyon ang dahilan, di ba mga suki?

Nitong mga huling araw ay nagtatag ang hepe ng CIDG na si Chief Supt. Eduardo Matillano ng Task Force Red Scorpion, hindi para manghuli ng mga kidnapper at bank robbers kundi para pag-ibayuhin pa ang koleksiyon nila ng intelihensya sa jueteng sa Metro Manila. Ayon sa mga pulis na nakausap ko, wala raw nakakarating sa intelihensiyang nakukubra linggu-linggo ng taga-Office of the Businessman’s Concerns (OBC) kay Matillano. Nilagom kasi ng OBC ang intelihensiya sa Kamaynilaan, anila. At ang itinalagang mamuno ng Red Scorpion ay si Supt. Igmidio Cruz ng PMA Class ’82.

At magmula nang maitatag ang Red Scorpion, nagpakawala si Cruz ng dalawang mababangis na kolektor sa katauhan nina Rudy Luna at Elmer Nepomuceno. Kung may mababangis pa sa leon at tigre sa mga hayop natin, ’yon na sina Luna at Nepomuceno, ayon sa mga pulis na nakausap ko. Walang ilegalista na makapalag sa kanila, kabilang na si Santos. Milyon ang hiningi nina Luna at Nepomuceno kay Santos kaya napilitang magsara ’yung mama.

At bakit biglang naisipan ni Matillano na manghagupit sa mga jueteng lords sa Metro Manila? May balita kasi na on the way out na si Matillano dahil nagalit sa kanya si Presidente Arroyo bunga sa mga ipinahayag niya sa media ukol sa pagkamatay ni Supt. John Campos. Kaya naisipan munang magpalamig ni Matillano sa ibang bansa nitong nagdaang Disyembre. Sa pagbalik niya, umugong na sisipain na si Matillano kaya’t hayan, mukhang nag-iipon na siya ng baon. He-he-he! Mapupuno na naman ang bulsa niya, di ba mga suki? Baka naman gusto lang niyang bawiin ang ginastos niya sa abroad? Ano ba ’yan?

Kung si Santos ay nagsara dahil sa sobrang taas ng intelihensiya at goodwill money na hinihingi ng Red Scorpion, eh di nalalayo na ang mga maliliit na operators ng pasugalan ay sumunod na nitong darating na mga araw, di ba mga suki?

Alam naman natin na si Matillano ay mahigpit na kalaban ni Sen. Ping Lacson. Hayagan na ang away nila. Pero may nagawa na ba si Matillano laban kay Lacson mula nang maupo siya diyan sa CIDG? Hanga tayo sa paninindigan ni Matillano noong mga nagdaang taon subalit nitong mga huling araw mukhang bumigay na rin siya. He-he-he! Sayang! Pero may problema si Matillano. Ang Metro Manila kasi ay kaharian ng kanyang mistah na si Dep. Dir. Gen. Reynaldo Velasco, ang hepe ng NCRPO. Sa pagkaalam ko, itong si Velasco ay hindi nadungisan ng jueteng money mula nang siya ay pumasok sa serbisyo. Papayag kaya si Velasco na apak-apakan na lang siya ng kanyang mistah?

vuukle comment

ANG METRO MANILA

CAMP CRAME

CHIEF SUPT

CRIMINAL INVESTIGATION AND DETECTION GROUP

EDUARDO MATILLANO

MATILLANO

METRO MANILA

PERO

RED SCORPION

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with