Nagtangkang magtayo ng paaralan ang gobyenro subalit napigilan ito ni Alberto at ng kanyang abogado sa dahilang masasaklaw nito ang kanyang lupa. Kaya, naniwala si Alberto na nirespeto at kinilala na ng gobyerno ang kanyang karapatan.
Makalipas ang dalawang taon mula nang mabili ni Lorenzo ang lupa, inaplay niya ito ng free patent. Nilawakan niya ang sukat sa 1,391 square meters at hindi na binanggit ang ginawang reserbasyon dito. Sinabi niyang walang sumasalungat at naninirahan dito.
Inaprubahan ng Bureau of Lands ang kanyang aplikasyon sa free patent at inisyuhan siya ng titulo sa kanyang pangalan. Isinangla niya ang lupa sa banko at matapos ay nagpatayo siya ng bahay dito.
Walong taon ang lumipas, hiniling ng konseho ng bayan sa Bureau of Lands at Solicitor General na magsampa ng aksyon para kanselahin ang titulo sa pangalan ni Lorenzo pati na ang pagsangla nito sa bangko. Umabot ito sa Korte at sinalungat ni Lorenzo ang petisyon. Ayon sa kanya, nang makuha raw niya ang titulo sa lupa, walang ginawang pagsalungat ang gobyerno kaya hindi na nito maitatanggi ang bisa ng kanyang titulo. Tama ba si Lorenzo?
Mali. Sinumang magtagumpay na makakuha ng titulo ng isang lupang pampubliko na may pandaraya ay hindi papayagan ng gobyerno dahil isinasaalang-alang nito ang interes ng nakararami, at sa pamamagitan ng mga kinatawan nito, aalamin nila ang mga pangyayari sa pag-iisyu ng titulo, at sa bandang huli, ang Republika sa pamamagitan ng Solicitor General o kahit sinong opisyal ay may awtoridad para magsampa ng nararapat na aksyon o kahit sinong opisyal ay may awtoridad para magsampa ng nararapat na aksyon para mabawi ang lupa na naaayon sa batas. Sa madaling salita, ang titulo ng isang lupang pampubliko ay maaring mapawalang-bisa sa pamamagitan ng isang imbestigasyon ng direktor ng bureau sa layuning matukoy kung nagkaroon ng pandaraya sa pagkuta ng titulo upang makapagsampa ng naayong aksyon ang gobyerno sa pagbawi nito. (Republic of the Philippines vs. CA et. al. G.R. No. 112115 March 9, 2001)