Matagal nang kaso ito. Ibinasura pa nga ang motion for reconsideration ni Virgilio Danao, chief ng BOC Enforcement and Security Services isang taon na ang nakararaan. Pero balita koy nakakuha ng temporary restraining order (TRO) si Mr. Danao sa Court of Appeals (CA) kaya nananatili siya sa puwesto.
Itoy sa gitna ng pag-aalsa ng mga empleyado ng CA na umaasang magkakaroon ng upward movement o promosyon dahil sa mababakanteng puwesto ni Danao. Bilang background, napatunayan ng Ombudsman na "nameke" ng scholastic record si Danao. Pinalabas na college graduate gayong hindi naman.
Iyan ang problema sa ating sistema ng hustisya. Dapat ay personal nang manghimasok si Presidente Arroyo dito para maibalik ang tiwala ng taumbayan sa justice system.
Iniisip tuloy ng marami nating kababayan na ang mga pinagpipitaganang mahistrado ng ating hudikatura ay "nabibili". Ayokong isipin iyan pero dahil sa walang katapusang TRO, nahahadlangan ang pag-usad ng hustisya. Batid kong maraming matitinong alagad ng hudikatura pero yung iilang bugok ay sumisira sa kabuuang image nito.
Naging isyu na noong araw ang "TRO for sale." Alam kong hindi nagpapabaya ang pamahalaan dahil marami nang mga hukom ang inaresto at pinag-usig dahil silay "nalalagyan."
Ngayong nagdeklara na si Presidente na hindi na tatakbo sa 2004, iyan ang dapat niyang atupagin. Ibalik ang magandang reputasyon ng hudikatura sa pamamagitan ng pagsupil sa mga tiwaling kagawad nito.
Sa kaso ng BOC, naaapektuhan nang matindi ang kuleksyon dahil sa demoralisasyon. Kapag mahina ang kuleksyon, apektado ang pambansang budget pati na ang kabuuang ekonomiya.