^

PSN Opinyon

Naging bahagi ako sa pagsuko ni PO3 Joey Salazar

BANAT NI BATUIGAS - Bening Batuigas -
NAKAKATUWA pala kapag naging bahagi ka sa pagkalutas ng isang kaso tulad ng pagsuko ni PO3 Jose ‘‘Joey’’ Salazar noong Biyernes. Sa pagsuko kasi ni Salazar, lumiwanag ang kasong pagpatay sa tatlo at pagkasugat ng dalawa sa Pasay City noong December 30. ’Ika nga maaring namamahinga na ngayon ang kaluluwa ni Anthony Petilla, Catalino Bautista at Joselito Manlangit dahil malapit nang magkaroon ng hustisya ang kanilang pagkamatay.

Ang tatlong biktima ay pinagbabaril ng pamangkin ni Salazar na si Borbie Rivera dahil lamang sa tsismis. Ano ba ’yan? Sinabi ng mga saksi na ang tanging kasalanan ni Salazar ay ang hindi pag-awat sa kanyang pamangkin para mapigilan nga ang shootout.

Matapos ang insidente, nagbuo naman si Supt. Oscar Catalan, hepe ng Pasay City police ng ‘‘Oplan Tugis’’ para arestuhin si Salazar. Pero ang hindi nila alam, si Salazar ay nakipag-ugnayan kay Metro Manila police chief Dep. Dir. Gen. Reynaldo Velasco sa pamamagitan ng Star Group ukol sa paghahanap niya sa kanyang pamangkin. Nang lumaon naisip na ni Salazar na sumuko para wala nang madamay pang iba sa kaso. Ilang araw din naming pinagtiyagaang makipagnegosasyon sa paglutang ni Salazar para panagutan ang kaso. Nangako si Salazar na sa Star Group siya susuko at hindi sa iba. Mayroon din kasing grupo ang hepe ng WPD na si Chief Supt. Pedro Bulaong ang nakipagnegosasyon para pasukuin din si Salazar sa kanya. Sinampahan ni Catalan ng kasong three counts of murder charges at two counts of frustrated murder charges sina Salazar at Borbie.

Nang sumulpot si Salazar sa Star Group, kasama na niya ang mga dating amo niya sa Pasay City na sina Supt. Rodolfo Llorca at Chief Insp. Edgar Alintog. Si Llorca ang hepe ng WPD intelligence sa ngayon samantalang si Alintog naman ay deputy niya. Mukhang pagod na pagod si Salazar dahil ayon sa kanya mahabang biyahe ang binuno niya at sa katunayan galing siya sa probinsiya ng Quezon. Matapos ang mahabang paliwanagan at pagtatanong ng kasama kong si Nikko Dizon, ang reporter ng Philippine Star sa Pasay City, tumulak na kami para iharap si Salazar kay Velasco sa dating EIIB building sa Diliman, Quezon City.

Halos nagdidilim na nang makarating kami sa EIIB building at laking gulat ko dahil maraming media ang naghihintay sa pagsuko ni Salazar. Iniharap siya sa media ni Velasco kung saan isinuko rin niya ang kanyang 9mm Beretta pistol at ang Czech 75 na pistol na naagaw niya kay Borbie. Pinayuhan ni Velasco si Salazar na kumuha ng magaling na abogado para malusutan niya ang kanyang kaso. Iniutos din ni Velasco na isailalim siya sa custody ng kanyang hepe ng RSSG ng NCRPO. Ang dalawang baril naman ay iniutos ni Velasco na isailaim sa ballistic tests para malaman kung naiputok ang mga ito.

Sobrang kapaguran ang inabot ko ng araw na ’yaon. Subalit masaya akong umuwi sa pamilya ko dahil naging bahagi ako ng isang napakagandang trabaho.

ANTHONY PETILLA

BORBIE

BORBIE RIVERA

CATALINO BAUTISTA

NIYA

PARA

PASAY CITY

SALAZAR

STAR GROUP

VELASCO

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with