^

PSN Opinyon

Si Sec. Sto. Tomas, kaya?

ORA MISMO - Butch M. Quejada -
HALOS three weeks ng bumaba sa kanyang trono si Raymundo S. Punongbayan bilang bossing ng PHILVOCS. Nagretiro na ito matapos pagbigyan ng Malacañang ang extension niya porke bilib sa kakayahan niya ang mga tao sa Palasyo kaya pinalawig pa ng ilang buwan ang kanyang termino dahil nag-step no este mali step down na ito dapat pumili sa lalong madaling panahon ng kuwalipikadong taong hahalili sa kahariang iniwan ng una.

Marami ang gustong maging bossing sa PHILVOCS kaya sandamakmak ang aplikante para pumalit kay Punongbayan kaya lang sa palagay ng mga kuwago ng ORA MISMO kailangan super bright ka at hindi puwedeng bopol dahil magkakahetot-hetot ang office at kapag nangyari ito siyempre magiging comedy ang tanggapan sa mata ni Juan dela Cruz oras na nagkamali ka sa mga information at decision making na ipalalabas mo para sa knowledge ng Sambayanan. Hindi ba, DOST Secretary Alabastro, Your Honor?

Noong November 2002, si Dr. Renato Solidum pala ang inindorso ni Sec. Alabastro sa Palasyo para umupo bilang hari sa tronong iniwan ni Punongbayan kasi matindi pala ang kuwalipikasyon nito.

Gumawa ang DOST ng screening committee kabilang dito sina Dr. Yumul, Angelo Palmones, ng ABS-CBN, etcetera para sa lahat ng aplikanteng interesadong maging PHILVOCS chief.

Tatlo lamang sa dami ng aplikante ang naalala ng mga kuwago ng ORA MISMO na nag-top sa survey. Sina Dr. Solidum, Ernesto Corpuz at si Dr. Emmanuel G. Ramos, ang deputy Director ng PHILVOCS.

Matapos ang evaluation ng DOST committee pinadala ang resulta sa Palasyo para naman marebisa raw ng Malacañang screening committee sa katauhan daw nina DOLE Sec. Patricia Sto. Tomas, DBM Secretary Boncodin, Garchitorena, etcetera.

Nakabitin ngayon kung sino ang hihiranging PHILVOCS chief kasi raw may pressure na nangyayari, iyan ang bulong sa mga kuwago ng ORA MISMO?

For the information of the Filipino people si Ramos pala ay sinasabing bayaw ni Sto. Tomas, ito ang ikinakanta ng ilang PHILVOCS concerned employees sa mga kuwago ng ORA MISMO?

‘‘Naku ha! Hindi naman siguro gagawin ni Pat na itulak ang kanyang yawba para sa nasabing puwesto kung mas may kuwalipikado?’’ anang kuwagong hitad sa kabaret.

‘‘Eh iyon ang balita kung hindi nga bakit nakabitin at wala pang pinipili ang Malacañang para pumalit kay Punongbayan?’’ tanong ng kuwagong Kotong cop.

‘‘Palagay ko busy sila kasi katatapos lang ng Christmas?’’ sagot ng kuwagong SPO-10 sa Crame.

‘‘Naku hindi puwede ang busy-busy alam mo naman kung gaano kasensitibo ang tanggapang pinag-uusapan natin,’’ sabi ng kuwagong CO2-10 sa Aguinaldo.

‘‘Kamote ka talaga! Busy sila hindi sa Christmas kundi abala ang mga ito sa pagpunta sa simbahan para hilingin kay Lord na huwag silang makasama sa Cabinet revamp.’’

‘‘Ah! Ganoon baga?’’ asar na tanong ng kuwagong martir.

‘‘Ano ngayon ang dapat gawin?’’

‘‘Paupuin ang dapat paupuin. Ilagay ang kuwalipikado kung siya ang nararapat.’’

‘‘Ano ang sabi ng NDCC?’’

‘‘Siyempre ang gusto ng DOST ang gusto din nila.’’

‘‘Diyan sa puntong iyan tama ka, lagapot.’’

ANGELO PALMONES

ANO

DR. EMMANUEL G

DR. RENATO SOLIDUM

DR. SOLIDUM

DR. YUMUL

MALACA

PALASYO

PARA

PUNONGBAYAN

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with