Ayon sa aking bubuwit, happy birthday muna kay Megastar Sharon Cuneta, Erlinda Cadiz Enano ng Guimaras; VW Mel Loreto, Carlos Ang , PO2 Amy Leal at PO2 Michelle Gustilo.
Happy 37th wedding anniversary kina Mr. Jovito and Dominga Concepcion.
Ayon sa aking bubuwit, kasama noon ng government official ang kanyang misis at isang kaibigan nang mangyari ang kaguluhan.
Habang nasa kalagitnaan ng pag-uusap si Bossing at ang kanyang kaibigan sa Carribean Bar & Restaurant sa Dusit Hotel Nikko sa Makati City ay biglang dumating ang isang chiching. Lumapit kaagad kay Bossing at bigla itong pinagmumura.
Aba, sa dami ng mga tao ay nagkaroon ng gulo. Ang ikinagulat naman ng aking bubuwit, sa halip na ipagtanggol ni Misis ang kanyang mister, nakisabay din siya sa chiching nito na lumait-lait kay Bossing.
Patay kang bata ka!
Ayon sa aking bubuwit, hiyang-hiya si Bossing. Siyempre, hindi niya alam kung ano ang gagawin sapagkat dala-dalawa ngayon ang tumatalak sa kanya.
Dahil sa pangyayari, nagulat din ang kaibigan ni Bossing at ang ginawa na lang ay umalis sa eksena.
Ang ginawa naman ng government official dahil hindi niya maawat ang kanyang misis at ang kanyang chiching na parang nagkampihan na Dahan-dahan siyang umalis sa bar.
Ang ginawa naman nitong dalawang babae, sumunod kay Bossing at pinagmumura at nilait-lait pa rin.
Umabot na sila sa labas ng bar pero parang machine gun pa rin ang bunganga ni Misis at ang chiching.
Grabeng eksena ang nangyari!
At kung hindi set-up ito, bakit naman hindi ipinagtanggol ni Misis si Bossing sa kahihiyang inabot nito.
Bakit nakipagtulungan pa ito para murahin at hiyain sa karamihan ng tao?
Ayon sa aking bubuwit, ang government official na-eskandalo sapagkat nagtagpo ang kanyang misis at ang chiching ay si
Siya ay may posisyon sa gobyerno bilang Assistant Secretary.
Siya ay medyo mataba, mabait, soft spoken at chick boy talaga. Kumusta ka na Bossing?
Siya ay walang iba kundi si Asst. Sec. R. as in Rocky Boy.