^

PSN Opinyon

QC konsehal di alam ang batas

SAPOL - Jarius Bondoc -
NAGKALAT sa 2nd-district, Quezon City, ang season’s greetings posters ni Konsehal Ramon "Toto" Medalla. Daan-daan ang nakapaskel sa mga poste, puno at center island sa Fairview at Novaliches. Gawa sa bakal, at may litrato pa niya. Alam ba niyang labag ito sa batas anti-littering?

Malinaw ang MMDA Ordinance No. 96-009 (Sec. 2-h): "Bawal mag-post, install, display ng ano mang uri ng billboard, sign, poster, streamer, professional service advertisement o iba pang masakit sa matang kalat saan mang parte ng kalye, sidewalk, center island, poste, park o open space ang sino mang tao, grupong pribado o publiko, kompanyang advertising o promotions, movie producer, propesyonal o contractor."

Malinaw din ang parusa (Sec. 4-b): Multang P1,000 o tatlong araw na community service sa bawat kalat. Kung hindi magbayad, kakasuhan ang salarin, dodoblehin ang multa nang P2,000, at ikukulong nang isang linggo hanggang isang buwan sa bawat kalat. Maaari ring singilin ng P200 per cubic meter ng kalat na lilinisin ng MMDA.

Trabaho ng konsehal magpasa ng ordinansya. Tungkulin niya ring ipatupad ang batas. Magkusa kayang magmulta at maglinis si Medalla?

Bumula ang bibig ni Manila Mayor Lito Atienza nu’ng nakaraang linggo nang makitang pinag-didikitan ng posters ng pelikulang "Agimat ni Lolo" ang mga poste ng LRT. Kakasuhan daw niya ng vandalism si leading man Bong Revilla. Mabilis lumiham si Marlon Bautista, kuya ng aktor at executive producer ng Imus Production. Humingi ng paumanhin, ipatatanggal daw niya agad ang posters, at kusang papipinturahan ang sira. Paparusahan din daw niya ang mga tauhang nandumi sa Manila. Si Medalla kaya, gan’un din?

Marami pang katulad ni Medalla sa buong Metro Manila. Sa sobrang ganado magpa-pogi sa constituents, nalilimutan ang batas. Dumudumi tuloy ang kapaligiran.
* * *
Lumiham sa Pilipino Star Ngayon o sa [email protected].

BONG REVILLA

IMUS PRODUCTION

JARIUSBONDOC

KONSEHAL RAMON

MALINAW

MANILA MAYOR LITO ATIENZA

MARLON BAUTISTA

MEDALLA

METRO MANILA

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with