Si Supt. Empiso at ang '3 itlog'
January 6, 2003 | 12:00am
MAAARING seryoso si Chief Supt. Pedro Bulaong, hepe ng Manila police ukol sa kanyang no take policy sa pasugalan pero mukhang salungat doon ang ginagawa ng kanyang mga tauhan. Tulad na lang diyan sa area ng Station 6 ng WPD kung saan patuloy pa rin ang pamamayagpag ng mga gambling lords kasi nga ay naka-payroll sa kanila ang pulisya roon sa pamumuno ni Supt. Empiso at ang tatlong itlog na sina SPO2 Robert Bunayu, PO1 Dante Macaraig at PO1 Hipolito. Isinusuka ng mga gambling lords si Empiso at ang "tatlong itlog" dahil sa sobrang pagkagahaman sa salapi, di ba mga suki?
Sa katunayan, hindi natatakot si Empiso kay Bulaong dahil bukambibig niya si PNP chief Dir. Gen. Hermogenes Ebdane Jr. Galing pala sa Field Force sa Malacañang si Empiso kayat nakasama niya si Ebdane na dating naka-assign naman sa Presidential Security Group (PSG) noon. Bitbit ni Empiso si Bunayu na tumatayo niyang bagman." Pero wais si Empiso dahil ni isa mang gambling lord ay hindi niya hinarap. Si Bunayu ang ginawa niyang panangga. Ang siste lang, sobra ang talas ni Bunayu at pati ang para sa mga presinto ay kinukuha pa niya. Ika nga suwelduhan na lang ang mga precinct commander, tama ba ako rito Supt. Empiso, Sir?
Sa pinaiiral na policy ni Empiso, ang nagiging kawawa ay ang mga precinct commanders. Kasi nga sa kautusan ni NCRPO chief Drp. Dir. Gen. Reynaldo Velasco, ay mga precinct commander ang unang tatamaan kapag naging matagumpay ang isasagawang raid ng ibang unit ng PNP sa pasugalan sa kanilang lugar. Ibig kong sabihin si Empiso ang nakikinabang subalit ang mga precinct commander ang nagdurusa. Ano ba yan? Iwas pusoy talaga si Empiso no, mga suki?
Pero abot langit kung manghingi ng lingguhang intelihensiya si Bunayu. Hamakin nyo ang gusto niya ay P4,000 kada linggo ang tatanggapin niya sa mga fruit games eh di ibig sabihin ipaghahanapbuhay na lang siya ng mga operators, di ba mga suki? Kaya ang siste, guerilla na lang ang operasyon ng fruit games dahil hindi nila kaya ang presyo ni Bunayu, ayon sa mga pulis na kausap ko. Kaya panay ang panghuhuli ni Bunayu lalo na bago mag-Pasko kung saan tatlo lang sa siyam na nahuli niya ang tinuluyan at kumita siya ng P21,000 sa bangketang lakad niya, anang pulis na nakausap ko.
Kung sabagay, hindi lang si Bunayu ang mukhang pera sa mga bataan ni Sir Bulaong. Maging ang grupo ni Capt. Danny Santos ay isinusuka rin ng mga gambling lords dahil tuloy ang tanggap ng intelihensiya pero tuloy din ang hulihan. He-he-he! May mga mukha pa ba kayong nahaharap sa mga kausap nyo mga igan?

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended