^

PSN Opinyon

Mensahe ko sa aroganteng presidente ng Lake Side Subd.

BAHALA SI BITAG - Ben Tulfo -
‘‘KAPAG walang nagrereklamo walang nabibisto.’’

Trabaho namin ang mag-imbestiga upang alamin ang KATOTOHANAN sa bawat reklamong nilalapit sa amin.

Paminsan-minsan nakakaengkwentro kami ng mga arogante at mayayabang na mga inirereklamo. Ito yung mga hindi pa nakakahanap ng kanilang katapat.

Hindi namin sinasabi na kami ang kanilang katapat. Gusto namin linawin singlinaw ng sikat ng araw, kami ang taga-tuldok ng kanilang di kanais-nais na gawain.

Wala kaming pinipili. Wala kaming inaatrasan kung sino ang aming makakaharap. Gustung-gusto naming makatapat yung mga nagmamalaki na may mga padrino sa itaas at may ‘‘sinasandalang pader.’’

Kabisado namin ang uri ng kanilang lengguwahe. Dahil kaya namin salitain ang kanilang wika. Sa ganitong paraan lamang kami magkakaintindihan. Ang pagkakaiba nga lang kami ang taga-tabla ng laban.

Sila yung abusado at mapang-lamang. Kami ang tumatayong tagapagtanggol sa mga taong kanilang inaapak-apakan.
* * *
Sa Presidente ng LAKE SIDE SUBDIVISION sa Cabuyao Laguna na si MRS. LUCITA RODRIGO, tuldukan mo na ang iyong kayabangan, pananakot at pagbabanta.

Kung nakaugalian mong duruhin yung mga nasa ibaba mo, subukan mo ang imbestigasyon ng Bahala Si Tulfo!

Wala akong pakialam kung sino ang pinagmamalaki mong pader at kung sino mang yang Hestas Hudas at Barabas na iyong sinasandalan.

Kung nagbabanta kang magsasampa ng kasong libel at malicious intent sa diyaryo na aking sinusulatan Pilipino Star NGAYON dahil nailathala sa Dear Editor section ng aming pahayagan ang reklamo laban sa iyong subdivision, gawin mo na lang.

Huwag na huwag mong babantaan ang pobreng miyembro ninyo na nagrereklamo. Inamin mo ito sa harapan ng aming video camera sa loob pa mismo ng pamamahay ng nagrereklamo nitong Sabado.

Hawak namin ang video footage ng iyong kayabangan at makikita mo ang kapangitan ng iyong pag-aasta sa aming investigative TV program sa BITAG sa ABC-5, 5:00-5:30 ng hapon. Humanda ka!

Ngayon isama mo na rin ako sa iyong demandang libel laban sa pahayagang ito. Humingi ka ng payo sa iyong asawa na iyong ipinagmamalaking judge sa inyong lugar. Tsk…tsk… tsk…
* * *
Para sa mga tips, reklamo’t sumbong, tumawag o mag-text sa mga numerong ito: 0918-9346417 at sa telepono 932-5310/932-8919. Makinig sa DZME 1530 Khz, Lunes hanggang Biyernes, 9:00-10:00 ng umaga. At panoorin ang programang ‘‘BITAG’’ sa ABC-5, tuwing Sabado, 5:00-5:30 ng hapon.

vuukle comment

BAHALA SI TULFO

CABUYAO LAGUNA

DEAR EDITOR

HESTAS HUDAS

IYONG

PILIPINO STAR

SA PRESIDENTE

WALA

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with