Trabaho sa pabahay
January 6, 2003 | 12:00am
SA pag-atras ni President Gloria Arroyo sa pulitika, ibubuhos daw ang atensiyon sa trabaho para sa tatlong milyong walang hanapbuhay. Dadami pa sila nang 750,000 sa graduation; mahigit kung may magsarang pabrika.
Isang paraang pagpapadami ng jobs ay paghikayat ng investors. Pero matumal ang negosyo sa buong mundo. Hindi ito maaasahan.
Isa ring paraan ang turismo. Pero kung matumal nga ang negosyo at maraming walang trabaho, kokonti rin ang bibiyahe.
Isa pa ang malawakang pagpapagawa ng kalsadat iskuwela, tulad ng New Deal ni Roosevelt nang recession sa Amerika nung 1930s. Pero kailangan nito ng bilyun-bilyong pisong perang publiko. Kaso mo, limang taon nang pababa ang koleksiyon ng buwis. Pinaka-malala nung 2002. Umabot nang P230 bilyon ang budget deficit. Walang pantustos dito.
Para sa akin, pabahay ang solusyon. Mabagal man o mahina ang ekonomiya, mataas ang housing demand. Hindi ito kailangan tustusan mismo ng gobyerno. Himukin lang ang mga bangko na magpautang sa developers at homebuyers, aandar na ang programa. Bilisan lang ang pag-issue ng licenses at permits, dadami ang maitatayong bahay.
Sa bawat bahay, 20 hanggang 200 trabahador ang gagawa sa loob ng apat o anim na buwan. Kung 100,000 bahay ang sabay-sabay ipatayo, milyon agad ang magkakatrabaho. E 10 milyon ang shortage ng housing units, at nadadagdagan ng 1 milyon kada taon.
Sa bawat bahay na itatayo, 76 na industriya ang nabuhuhay mula buhangin at graba, semento, hollow blocks, re-bars, pintura, brush, pako, pala, martilyo, kawad-kuryente, ilaw, tiles, yero, bathroom fixtures, kahoy, salamin, garden soil, furniture, home appliances. Miski tig-10 lang ang empleyado ng bawat kompanya, milyon din ang magkakatrabaho.
Ang budget sa bawat socialized, mass o middle-class housing unit ay P100,000 hanggang P2 milyon. Yan ang iikot na pera mga industriya. Sa 100,000 sabay-sabay na itayong units, daan-bilyong piso ang iikot.
Ang dami pang lupa sa kanayunan na puwedeng ilaan sa housing. Kung sakali, liliit ang populasyon sa mga siyudad; babalik sa probinsiya.

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended
November 26, 2024 - 12:00am