Sex sa Internet

BABALA sa mga magulang: Bantayan ang inyong mga anak at baka maagang mahawahan ng kahalayan dahil sa malalaswang napapanood sa internet. Ang internet na ngayon ang pinakamodernong paraang ginagamit ng mga halang ang kaluluwa para kumita ng pera. Mga makukulay at gumagalaw na larawan na aantig sa damdamin lalo na ang mga menor de edad.

Marami nang sumbong ang tinanggap ng NBI tungkol sa tinawag na pornography sa internet. Kamakailan ay nagsagawa ng raid ang mga NBI agents sa isang unit ng internet operator na nagngangalang Agnes Dapdap kasama ang anim na babaing modelo na nahuling walang saplot habang kinukunan ng camera na nakapatch-in sa internet. Batay sa NBI report ang mga nude models ay nagsasayaw, nagma-masturbate at gumagamit ng sexual gadget at animo’y isang choreography na nagtatalik ang babae sa babae.

Ayon sa NBI Special Action Unit, malaki ang binabayad ng mga subscribers sa internet provider. Bukod sa panonood ng mga hubad na modelo ay nakakapag-on line chatting pa at humihiling ang subscribers ng gusto nilang gimmick na tinatawag na ‘‘Special Added Attraction.’’ Ang kahirapan ang binibigay na dahilan ng mga hubad na babae kung bakit nila pinasok ang ganoong klasing hanapbuhay. Isa sa kanila ay single parent na nagsabing kumapit siya sa patalim para mabuhay ang kanyang anak na mula pa nang isilang ay sakitin na. Iba’t ibang ‘‘sob stories’’ ang ipinahayag ng mga inarestong modelo.

Sa pagkalat ng mga malalaswang panoorin sa internet, ang mga magulang ang dapat maging alerto sa kanilang anak. Huwag pabayaang makulta ang kanilang utak sa masamang panoorin na dulot ng modernong teknolohiya.

Show comments