^

PSN Opinyon

Tricycle driver, gustong maging Pag-IBIG member

HINDI PA TAPOS ANG LABAN - Mike Defensor -
Dear Sec. Mike Defensor,

Matagal ko nang sinusubaybayan ang inyong kolum dito sa Pilipino Star NGAYON. Ninais kong sumulat sa inyo upang malaman kung maaari akong mag-avail ng housing loan sa Pag-IBIG.

Ang aking asawa ay tricycle driver. Miyembro siya ng Social Security System (SSS) sa ilalim ng voluntary membership bilang self-employed. Sa pagnanais naming magkabahay, nagtanong kami sa SSS subalit sinabi na wala raw po silang housing loan ngayon.

Maaari po bang maging voluntary member ng Pag-IBIG at maka-avail ng housing loan?

Maraming salamat.
CYNTHIA ng Camarin, Novaliches, Caloocan

Sinuman na kumikita ng mababa sa P4,000 ay maaaring maging miyembro ng Pag-IBIG sa ilalim ng voluntary membership. Self-employed at mga nagtatrabaho sa informal sector kagaya ng mga mangangalakal, magsasaka, mangingisda, nagtitinda sa palengke, drayber at iba pa ay maaring magparehistro. Ang mga hindi na nagtatrabaho na asawa naman ay maari ring magparehistro pag may pahintulot ang kanilang mga asawa.

Ang mga requirements ng voluntary membership sa Pag-IBIG ay ang mga sumusunod.

• Sa wastong gulang (18 years old)

• Nagtatrabaho o Self-employed

• Income Tax Return

• Iba pang dokumento na maari pong hingin sa inyo.


Magsadya lamang kayo sa First Floor, Atrium Bldg., Makati Avenue, Makati City dala ang mga nasabing dokumento.

Kahit hindi pa kayo miyembro ng Pag-IBIG, maari pong matupad ang inyong pangarap na magkabahay sa ilalim ng Rent-to-Own Program na ginaganap tuwing Sabado ng umaga, alas otso ng umaga sa Atrium Bldg., Makati Avenue, Makati City. Sa kasalukuyan, mayroon pong mga Rent-To-Own housing units sa Smile Citihomes, Quezon City. Maari kayong tumawag sa telepono bilang 811-4075, 4229, 8225 o 8205 para sa karagdagang impormasyon.
* * *
Humihingi ako ng paumanhin kay Donita ng Bataan sa hindi paglathala ng kanyang liham sa kadahilanang hindi namin saklaw ang iyong mga katanungan. Maraming salamat.

vuukle comment

ATRIUM BLDG

DEAR SEC

FIRST FLOOR

INCOME TAX RETURN

MAKATI AVENUE

MAKATI CITY

MARAMING

MIKE DEFENSOR

PAG

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with