^

PSN Opinyon

Drug problem unahin ng gobyerno

BANTAY KAPWA - Cielito Mahal Del Mundo -
ISA sa mga problemang dapat unahin ng Arroyo Administration ay tungkol sa illegal drugs. Parami nang parami ang nalululong sa bawal na gamot at pataas nang pataas ang krimen kaugnay ng paggamit ng droga. Ngayong hindi na sa pulitika nakatuon ang paningin ni President Gloria Macapagal-Arroyo, nararapat na isa sa mga prayoridad niya ay ang pagdurog sa mga salot ng lipunan.

Sa nakalipas na taon ay namayagpag ang mga drug trafficker at lantaran ang pagma-manufacture ng shabu.

Bago mag-Pasko, isang malaking shabu laboratory sa Lawang Bato, Valenzuela City, ang nadiskubre. Milyong pisong halaga ng shabu ang nasamsam ng mga awtoridad bukod pa sa mga makina at materyales at kemikal sa paggawa ng shabu.

Sa pagkakadiskubre ng shabu laboratory sa Valenzuela City ay isa pang warehouse ng shabu sa North Bay, Navotas ang natuklasan. Narekober ang mga sangkap sa paggawa ng shabu.

Naniniwala ang mga may kapangyarihan na marami pang laboratoryo at bodega ng shabu ang malalansag sa iba’t ibang dako ng kapuluan at ito’y mangyayari sa pakikipagtulungan na rin ng mga mamamayan. Matatandaan na naging tagumpay ang mga isinagawang by-bust operations laban sa manufacturers ng bawal na droga sa Lipa City, Pasig City, San Juan at Quezon City. Kamakailan ay 400 kilos ng shabu ang sinunog sa isang incenerator sa Laguna.

Napag-alaman na ang mga nasamsam na shabu ay nasa custody ng NBI at pulisya. Marami ang nagtatanong sa BANTAY KAPWA na bakit daw iniimbak pa nang matagal ang mga nasamsam na shabu na dapat na sunugin kaagad at nanganganib na ang mga kontrabando ay maismuggle at maibentang muli ng mga ilang tiwaling elemento sa kapuluan. Ayon sa bagong anti-drug law, ang mga nasamsam na shabu ay puwede nang sunugin matapos na maisagawa ang pagsisiyasat at mai-file ang kaso.

ARROYO ADMINISTRATION

LAWANG BATO

LIPA CITY

NORTH BAY

PASIG CITY

PRESIDENT GLORIA MACAPAGAL-ARROYO

QUEZON CITY

SHABU

VALENZUELA CITY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with