^

PSN Opinyon

Mga abusadong tagapagtupad ng batas

ORA MISMO - Butch M. Quejada -
NOONG Dec. 17, dakong alas-8:45 ng umaga ay parang mga gestapong umaalingawngaw ang mga sirena ng mga sasakyan ng gobyerno diyan sa Boni Serrano St., papuntang EDSA, Quezon City, porke nagmamadali ang mga ito kahit na grabe ang traffic.

Sayang at hindi nabili ng mga abusadong ito ang nasabing kalye para sila lamang sana ang dumaan dito.

Mukhang si MMDA Chairman Bayani Fernando ang umano’y nakasakay sa isang kotseng may plakang MMDA habang binabagtas nila ang nabanggit na lugar.

Habang panay naman ang hawi ng kanyang mga alipores para patabihin ang iba’t ibang uri ng mga sasakyan na nang mga oras na iyon ay nakapilang parang mga langgam dahil sa sobrang traffic. Halos highblood ang ilang drivers sa nararanasang grabeng traffic.

For your information, si Fernando nga pala ang traffic czar na itinalaga ni Prez Gloria para remedyuhan ang lumalalang trapiko sa Kalakhang Maynila. Kaya pala ang mga umano’y escort nito ay abusado porke may pangil pala silang manghuli at manaboy ng parang mga baboy sa mga motoristang nasa kalye sa Metro Manila? Iyan ang sinasabing future president?

Pero may nakatapat ang umano’y isang abusadong escort ni Fernando na si PO3 Orlando Masaquel, sa sobrang excited ng tulisan, este mali, pulis pala, sa kahahawi ng mga sasakyan d’yan sa may Boni Serrano St., wala siyang kamalay-malay ang pinagyabangan niya ay isang abogado.

Ganito ang story, sa sobrang traffic sa nasabing lugar ay nag-counter flow ang mga gago, este mali, mga abusado pala, humaharurot ang lahat ng escort habang nakakatulig ang sirena nilang gamit ang mabigat nagdatingan naman ang mga sasakyan galing EDSA patungong Libis kaya nagkaloko-loko ang mga vehicles. Ang ginawa ng mga abusado ay pilit nilang siniksik ang kanilang mga kotse para makadaan ang mga sasakyan patungong Libis sa kahihiyan nilang ginawa.

Samantala, napakamot naman ang mga may-ari ng mga sasakyan palabas ng EDSA dahil nga sa tindi ng traffic parang mga langgam ang itsura ng mga ito ng mga oras na iyon.

Nakalusot ang unang grupong escort daw ni Fernando kasama ang kotse nito habang naiwan naman sa pansitan, este mali, hindi pala nakalusot ang isang L-300 van nila sa may B. Serrano corner 8th Avenue, pero pilit namang pinatatabi ni Masaquel ang isang drayber ng Honda car na hindi halos makagalaw sa traffic nang hindi makasunod ang pobreng drayber ay ganito ang nangyari.

Go down sa sasakyan ang apat na pulis kabilang si Masaquel at galit na tinakot si Atty. Silverio Garing, pero hindi nila alam na abogado ang kanilang pinaandaran. Kinuha ang lisensiya at tinikitan ng ganito: Driving against traffic at reckless driving.

Sa puntong ito sinampahan ni Atty. Garing ng abuse of authority si Masaquel, grave coercion at grave threat sa QC Prosecutor’s Office, hindi pa tapos ito porke balak din niyang ireklamo ang tulisan, este mali, pulis pala sa Crame.

"Iyan ang mahirap sa Pilipinas kapag mabigat ang amo, mga abusado ang mga alipores," anang kuwagong sepulturero.

"Kaya tuloy dumarami ang NPA’s sa bansa," sabi ng kuwagong Kotong cop.

"Sa palagay ko, hindi kukunsintihin iyan ni Chairman Fernando kung siya man ang ineskortan ng mga ito," sabi ng kuwagong SPO-10 sa Crame.

"Alam ba niya ang pangyayari?"

"Kita niyang traffic bakit pinapayagan niyang ganito ang mga alipores niya?"

"Iyon lang!"

BONI SERRANO ST.

CHAIRMAN BAYANI FERNANDO

CHAIRMAN FERNANDO

CRAME

FERNANDO

MASAQUEL

TRAFFIC

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with