^

PSN Opinyon

Sa Bagong Taon ay magbagong buhay

SAPOL - Jarius Bondoc -
BISPERAS na naman ng Bagong Taon. Wala ka pang nililistang New Year resolutions, dahil busy sa pagluluto’t paghahanda para bukas? Puwede pang humabol. Maglista pa rin, tapos simulan sa ano mang ibang New Year: Sa Chinese, bandang simula ng Pebrero; sa Persians, Marso 21; sa Thais, Abril 1; sa sinaunang Muslim calendar, Abril 26; at sa Alexandria, Egypt, Agosto 29. Kitams, wala kang lusot.

Ang New Year’s Day ay kaarawan ng bawat tao, anang makatang Charles Lamb. Kaya dapat magsulat ng resolutions para sa ikabubuti: Di na magyoyosi, di na magiging gastador, di na mabilis mag-iinit ang ulo.... Nakababagot maglista ng resolutions na hindi naman masusunod. Pero kung malasing at maempatso ka sa wild party ngayong gabi, ipapasya mo agad paggising bukas na di ka na uulit.

Sa mga modernong Kristiyano, Enero 1 sine-celebrate ang New Year’s Day. Pero sa mga sinaunang Kristiyano, ito ay sa Easter Sunday o Pasko ng Pagkabuhay – araw ng pagbangon ni Kristo mula kamatayan sa Krus. Iba ang ginagamit na calendar noon –’yung sinaunang pagsukat ng buwan at taon ayon sa decree ni Julius Caesar. Naging Enero 1 ang simula ng New Year nang ipatupad ni Pope Gregory XIII (1572-85) ang bagong calendar na ipinangalan sa kanya. Ito ang kilala natin ngayon na may 12 buwan at 365 araw, maliban lang tuwing ikaapat na taon (leap year) na may 366 araw. Laking kalituhan siguro noon nang magsalin ng calendar. Lalo na sa England, na gumaya sa Gregorian calendar noon lang 1753.

Sa sinaunang Hudyo dalawa ang Bagong Taon. ‘Yung una’y batay sa kabuwanang sinusunod ng high priests. Bandang Marso 21 ito tulad ng Persians, sa spring equinox kung kelan tumatawid ang Sun sa equator kaya eksakto ang haba ng gabi’t araw. ‘Yung isa, bandang Oktubre.

Sa mga Chinese, ang Bagong Taon ay araw di lang ng pagbubunyi kundi ng pag-aayos sa kapwa. Sa araw na ito binabayaran lahat ng utang at humihingi ng tawad sa lahat ng nasaktang kaibigan.

ABRIL

ANG NEW YEAR

BAGONG TAON

BANDANG MARSO

CHARLES LAMB

EASTER SUNDAY

JULIUS CAESAR

KRISTIYANO

NAGING ENERO

NEW YEAR

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with