Huwag magpapaniwala sa sinumang magtiti-text o tatawag sa inyo sa telepono at magsasabing kayoy nanalo. Nabunot daw kasi ang inyong pangalan sa isang raffle contest.
Huwag bigyan ng pagkakataon ang mga balasubas mag-isip na kayoy interesado. Maging pala-duda sa anumang bagay na alok ninuman lalo nat kapag hindi nyo kilala.
Tandaan, organisado ang mga sindikatong ito. Kung anu-anong mga pangalan ng mga foundation at mga kompanya ang kanilang kinakaladkad.
Nag-iiwan sila ng mga numero ng telepono para tawagan ang legal department kuno ng nasabing foundation. Dito sasabihin nila ang mga requirements bago makuha ng biktima ang napanalunang halaga sa kalimitan ay mahigit sa P1 milyon.
May buwis daw na babayaran ang winner. Pinadidiposito nila ito sa isang bank account, kalimitan ay PCI Bank. Base sa aming imbestigasyon inutil ang bangko at wala na silang magagawa kapag na-withdraw na ang pera.
Hindi na raw kayang i-trace ang tunay na pagkakakilanlan ng nag-mamay-ari ng nasabing lehitimong bank account?
Sa lahat ng makakabasa nito, pakigupit ang kolum na to at pakipasa sa inyong mga kaanak, kaibigan, kapitbahay o kasamahan sa opisina.
Salamat Mr. Ben Tulfo sa kolum nyo nung December 25, 2002 ako din ay muntik na rin maloko nitong nagngangalang Mr. Medel halos pareho sa inyong naisulat. Buti na lang nabasa ko agad ang inyong kolum. 09207638946.
Basahin ng maigi. Tandaan nagsisimula ang lahat sa text message o tawag sa telepono. Kapag napaniwala nila ang biktima, narito ang mga susunod na instructions.
UNA, pabibilhin ng mga cellcard ang kanilang biktima at ibibigay sa kanila ang PIN number ng nabiling cellcard.
PANGALAWA, bibigyan ang biktima ng account number ng bangko at dito pinagdidiposito nila ng halagang kanilang hinihingi bilang porsiyento sa buwis (tax) sa kanilang napanalunang halaga.
PANGATLO, makikipagkita daw sa biktima ang mataas na opisyal ng kompanyang mga nabanggit sa coffee shop ng five star hotel upang ibigay ang halagang kanilang napanalunan sa harapan ng mga taga-media upang mailathala sa mga pahayagan.