Pagpupugay kay Rizal
December 29, 2002 | 12:00am
BUKAS ay Rizal Day. Gugunitain ng sambayanan ang kamatayan ng pambansang bayaning si Dr. Jose Rizal.
Narito ang maikling talambuhay ni Rizal. Siya ay isinilang sa Calamba, Laguna noong Hunyo 19, 1861. Ang kanyang inang si Teodora Alonzo ang una niyang guro at inspirasyon sa pagiging makabayan. Kasama ang ilang Pilipinong expatriates sa Propaganda Movement sumulat siya ng La Solidaridad na inilathala ni Graciano Lopez Jaena sa Barcelona, Spain noong Feb. 15, 1889. Sa Europa niya sinulat ang kanyang dalawang nobela na sinasabing nagpasiklab sa damdamin ng mga Pilipino laban sa mga Kastila. Itoy ang mga nobelang Noli Me Tangere at El Filibusterismo.
Nang bumalik si Rizal sa Maynila noong 1892 siyay dinakip at ipinatapon sa Dapitan, isang pulo sa Mindanao, sa utos ni Gobernador Eulogio Despojol. Sa loob ng apat na taong pagkaka-exile sa Dapitan ay nagtayo siya ng eskuwelahan at pagamutan at sa Dapitan din niya nakatagpo ang babaing kanyang pinakasalan. Siyay si Josephine Bracken, isang Englesa. Ginamot ni Rizal ang madrastong bulag ni Josephine. Si Josephine ang binabanggit na dulce estrangera sa pahimakas na tula ni Rizal. Binaril si Rizal ng mga guwardiya sibil sa Bagumbayan na nakilalang Luneta at naging Rizal Park bilang pagdakila sa kanyang kabayanihan.

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended