^

PSN Opinyon

2003: Gising na Pilipinas!

KRUSADA - Dante L.A.Jimenez -
SA kabila ng napakaraming suliraning hinaharap ng pamahalaan ukol sa pangkapayapaan at iba pang aspeto, ang problema sa ekonomiya ay tunay na nakapagpahina sa pamamalakad ng gobyerno. At bakit nga naman hindi? Kung walang sapat na pondo, walang masyadong magagawa ang mga ahensiya upang pagbutihin ang paglilingkod sa mamamayan.

Alam natin na ang buwis na ibinabayad ng taumbayan ang ginagamit ng pamahalaan upang tustusan ang mga gastos nito, kabilang na ang pagbibigay ng budget sa mga sangay nito. Ngunit sa mga nangyayaring iringan at debate sa usaping ito, iisa lang marahil ang dahilan: Walang pera ang pamahalaan.

Marami ang nadidismaya sa mga serbisyong pampubliko na inaasahan ng taumbayan sa pamahalaan. Kaya’t may dahilan sila kung bakit mas mabuti pang huwag na lang daw magbayad ng buwis, kung hindi rin lang maganda at sulit ang mga serbisyong matatanggap.

Ang katiwalian sa pamahalaan ay isa sa mga hadlang tungo sa kaunlaran. Hindi lingid ang kung anu-anong mga iskandalong nagsangkot sa ilan sa mga opisyales ng pamahalaan, kabilang na ang mga taong malapit kay President Gloria Macapagal-Arroyo.

Napapanahon na upang makiisa ang taumbayan sa pagsagip sa ekonomiya, na ngayo’y nasa bingit na ng disgrasya dahil sa dami ng mga problemang hinaharap ngayon.

Hindi ko sinasabi na hindi nakikinig ang pamahalaan sa mamamayan, ngunit matatalikuran ba ang mga karaingan ukol sa kani-kanilang mga problema. May kaukulang solusyon ang bawat problema. Ngunit ang kailangang gawin marahil ng mga kinauukulan ay ibalik ang kumpiyansa ng mga mamamayan sa pamahalaan ukol sa kapayapaan at bawasan, kundi man puksain, ang katiwalian sa lipunan. Sa 2003 sana’y gumising na ang Pilipinas.

ALAM

KAYA

MARAMI

NAPAPANAHON

NGUNIT

PAMAHALAAN

PILIPINAS

PRESIDENT GLORIA MACAPAGAL-ARROYO

WALANG

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with