Ang batas ay batas na dapat ipatupad
December 28, 2002 | 12:00am
MAGANDA ang pinatupad na security measures ni retired General Mike Hinlo, AGM for Security and Emergency sa NAIA sa ginawang preparasyon sa pag-alis ni Congressman Mark Jimenez kamakalawa ng gabi papuntang US para harapin nito ang mga kasong nagawa niya sa Amerika.
General Hinlo, Sir maasahan ka talaga!
Sa nangyari kay Jimenez noong Huwebes ay parang history kasi sa pakiramdam ng mga kuwago ng ORA MISMO ay parang namulat ang sambayanan sa katotohanan na ang batas ay para sa lahat.
Ika nga pantay-pantay, walang mahirap o mayaman, walang guwapo o pangit, walang malakas o mahina basta ito ang batas.
Ngayon wala na si Tata Mark siguro naman mababawasan na ang pamumulitika at sa palagay ng mga kuwago ng ORA MISMO ay babalik na sa normal ang takbo ng pamumuhay sa bansa? Ika nga itigil na ang bangayan, trabaho na lang kayo para sa bayan!
Kaya lang mukhang hindi na maawat ang siraan porke malapit na ang Presidential Election kaya tiyak hukayan na ito ng utot este baho pala.
Sa nangyari noong Huwebes ng gabi sa airport nakita ng mga kuwago ng ORA MISMO ang mga taong nagmamahal kay Tata Mark porke hanggang US ay sinamahan pa ito ng kanyang mga kabig tulad nina Congressman Willy Villarama at Congressman Butch Pichay. Ika nga, iba ang may pinagsamahan.
Ang nangyari kay Tata Mark ay parang nangyari din kay Bigote sa mga huling araw nito sa Malacañang may mga last minute na kasangga itong bumaligtad at nakita rin natin ang mga natirang alipores niya hanggang lumayas ito sa Palasyo.
Pero ang isyu, ay matindi ang batas kapag pinagana kahit sino ka man kapag nagkasala ka, dapat himas-rehas ka!
Maraming nagtaasan ng kilay sa nangyari kay Tata Mark? anang kuwagong SPO-10 sa Crame.
Siyempre hindi lahat ay kakampi ni Tata Mark.
Ang mga kakampi siyempre masama ang loob samantala ang mga kalaban ay naghahalakhakan.
Parang sugal iyan may na dehado may liamado sabi ng kuwagong sepulturero.
Ano ngayon ang moral lesson?
Talagang bobo ka hanggang ngayon di mo ma-gets ang istorya.
Ang lesson ay eto kapag gustong ipairal ang batas walang puwedeng bumali kahit na sinuman kasi dapat pantay-pantay sila.
Ah, ganoon ba korek ka dyan!"

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended
November 26, 2024 - 12:00am