Maynilad nalunod!
December 28, 2002 | 12:00am
GLUB..GLUB..tigok!
Gobyerno naman, bakit hindi mo sinagip ang nalulunod na Maynilad? Nagsumikap itong mabuhay sa harap ng problemang pinansyal. Humingi ng saklolo pero dinedma!
Noong 2000, dalawang beses itong nagpapasaklolo sa Metropolitan Waterworks and Sewerage System (MWSS). Bilang sangay ng gobyernong naggawad ng concession, tungkulin ng MWSS na tiyakin ang viability ng concessionaire. Inako ng Maynilad ang dating $800 milyong utang ng MWSS. Nang ibigay ng MWSS ang concession sa Maynilad noong 1997, ang palitan ng piso sa dolyar ay P26.50 lang. Noong September-October 2002, nang magsimulang humingi ng saklolo ang Maynilad sa MWSS, bumagsak na ang halaga ng piso sa P48.50 sa dolyar!
Mula Agosto 1997 hanggang Oktubre 2000, ang naibayad ng Maynilad sa inakong utang ay sobra nang P2-bilyon sa inaasahan. Kasi ang inaasahang pagbaba ng piso noon ay 3 porsyento lang taun-taon. Kung nasunod ito, ang binayaran sana ng Maynilad ay kabuuang P4.5 bilyon lang imbes na P6.5 bilyon. Mantakin nyo naman na sumadsad na sa mahigit P53 ang halaga ng dolyar ngayon!
Hindi dininig ng gobyerno ang apela ng Maynilad para sa awtomatikong CERA (currency exchange rate adjustment) mechanism na ginagawa ng ibang kompanya gaya ng PLDT at Meralco. Dinedma rin ang hiling ng Maynilad na makapagpatupad ng price adjustment sa tuwing magbabago ang palitan ng piso at dolyar at iba pang dahilang nakakaapekto sa presyo ng tubig.
Disyembre 9, opisyal nang bumitiw ang Maynilad sa pagiging distributor ng tubig simula sa Pebrero 8, 2003. Ngayon, pinipilit ipakita ng MWSS na nagmamalasakit ito sa Maynilad. Simula sa Enero, magpapatupad ito ng water rate increase na P26.75 per cubic meter mula sa kasalukuyang P19.95. Pero hindi iyan ang nais ng Maynilad kundi restructuring sa pagbabayad nito ng concession fees sa harap ng paglobo ng binabayarang utang. Sabi nga "too late the hero." Naubusan na ito ng pisi. Dapat sanay maagang sumaklolo ang gobyerno pero...tsk, tsk! Iwinagayway ni Maynilad President Raffy Alunan ang banderang puti. "Suko na kami" aniya.

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest