^

PSN Opinyon

Sino ba si Jesus?

BANTAY KAPWA - Cielito Mahal Del Mundo -
ANG kapanganakan ni Jesus ay ipinagdiriwang sa halos lahat ng panig sa mundo. Marami ang nagdiriwang sa okasyong ito. Mahirap man o mayaman ay nagsasaya sa pagsilang ng dakilang Tagapagligtas.

Magbalik-tanaw tayo kung paano isinilang si Jesus at kung saang lahi siya nagmula.

Ang anghel na si Gabriel ay sinugo ng Diyos sa bahay ng Nazareth kay Maria, isang birhen na nakatakdang ikasal kay Jose na buhat sa angkan ni David. Sinabi ng anghel na si Maria ang napili ng Diyos na maging ina ng anak ng Diyos na siyang tutubos sa kasalanan ng tao. Siya’y tatawaging Emmanuel na ang ibig sabihin "Diyos ay sumasaatin." Ibinalita rin ng anghel ang pagdadalantao ng pinsan ni Maria na si Isabel na bagama’t matanda na at baog ay magsisilang kay San Juan Bautista at patunay ito na walang imposible sa Diyos.

Narito ang "genealogy" o pinagmulan ni Jesus: Nagmula sa angkan ni Abraham na ama ni Isaac na ama ni Jacob na ama ni Judah. Mga anak ni Judah sina Perez at Zerah. Si Perez ang ama ni Hezron na ama ni Aram na siyang ama nina Aminalab, Aminadab at Nahshon ng Salmon na siya namang ama ni Boaz na ang ina ay si Rahab. Si Boaz naman ang ama ni Obed na ang ina ay si Ruth at naging ama ni Jesse na siyang ama ni Haring David na ama ni Haring Solomon.

Ang ina ni Solomon ay ang pinagnasaan ni David na asawa ni Uriah. Si Solomon ang naging ama ni Rehoboam at ng mga haring sina Abijah, Asaph, Jehosphaphat, Jorana, Uzzrah, Jotham, Ahaz, Hezediah, Manasseh, Amon, Josiah na siyang ama ni Jachoniah na ipinatapon sa Babilonya. Si Jachoniah ang ama nila Salathiel na ang naging anak ay si Zerubbabel na siya namang ama ni Abud na ang anak ay si Ellakim na ama ni Azar na siya namang ama ni Zadok na ang anak ay si Akim na ama ni Eliud na ama naman ni Eleazar na ama ni Mathan na ama ni Jacob na siya namang ama ni Jose na ama ni Jesus.

Umaabot sa 14 saling-lahi mula kay Abraham hanggang kay David at 14 na henerasyon mula kay David hanggang Jachoniah at 14 pang saling-lahi hanggang isilang si Jesus.

AMA

DIYOS

HARING DAVID

HARING SOLOMON

JACHONIAH

SAN JUAN BAUTISTA

SI BOAZ

SI JACHONIAH

SI PEREZ

SI SOLOMON

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with