^

PSN Opinyon

EDITORYAL – Traffic problem dapat prayoridad ng MMDA

-
KAHIT hindi Pasko ay may trapik! Ano ba ang ginagawang solusyon ng Metro Manila Development Authority (MMDA) sa problema ng trapiko sa Metro Manila at sa halip na lumuwag sa mga kalsada ay lalo pang nagiging masikip at mas masahol pa sa dati? Ang karaniwang pagbibiyahe ng 45 minuto ngayon, ay nagiging dalawa hanggang tatlong oras. Kamakalawa, ay lalong natikman ng mga motorista at pasahero ang grabeng trapik sapagkat ang nilalakbay ng kalahating oras ay naging dalawang oras. Isang halimbawa ay ang grabeng pagbubuhol ng trapiko sa kahabaan ng Roxas Blvd. na umabot hanggang Anda Circle sa Port Area, Manila.

Kahit hindi Pasko ay ganito na ang tanawin sa mga pangunahing kalsada sa Metro Manila. Karaniwan na lamang ang pagbubuhol ng trapiko at nakapagtataka na mas nagiging malala ang problema kapag may nagtatrapik na pulis o mga MMDA traffic enforcer. Sa halip na maging magaan ang daloy ng mga sasakyan, lalong bumibigat sapagkat walang kakayahan ang mga traffic enforcers.

Ang masinsinang pagtataboy sa mga sidewalk vendor ay isa sa mga paraan ni MMDA Chairman Bayani Fernando para mabawasan ang grabeng trapik. Subalit dapat pang umisip si Fernando nang pangmatagalang solusyon sa problema. Unahin niya ang pag-aalis sa mga walang kakayahan at abusadong traffic enforcers. Dapat malaman ni Fernando na marami sa mga traffic enforcers niya ang nagiging abala sa pangongotong kaysa sa pangasiwaan ang pagsasaayos sa trapiko. Nagiging "mabangis na buwaya" na ang mga MMDA traffic enforcers.

Silipin din ni Fernando ang napakaraming depektibong traffic light na isa sa mga dahilan ng pagbubuhol ng trapiko. At bigyang pansin ang napakaraming nakaparadang pampribadong sasakyan na halos kainin na ang kalsada. Ang ganitong tanawin ay makikita sa Binondo, Rizal at Recto Avenues, Blumentritt, Sta. Cruz, Maynila. Ganito rin ang tanawin sa maraming lugar sa Metro.

Kailangang makipagtulungan ang MMDA sa Department of Transportation and Communications (DOTC) sa puwersahang pag-aalis sa mga kakarag-karag na sasakyan na nagdadagdag sa problema ng trapiko.

Bagamat ang MMDA ang may responsibilidad sa problema ng trapiko, dapat din namang makipagtulungan ang motorista. Hindi dapat pairalin ang pagiging abusado. Ang pagbibigayan ay dapat ipakita.

ANDA CIRCLE

CHAIRMAN BAYANI FERNANDO

DEPARTMENT OF TRANSPORTATION AND COMMUNICATIONS

FERNANDO

METRO MANILA

METRO MANILA DEVELOPMENT AUTHORITY

PASKO

PORT AREA

RECTO AVENUES

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with