^

PSN Opinyon

Maligayang Pasko!

HINDI PA TAPOS ANG LABAN - Mike Defensor -
SA araw na ito ipinagdiriwang natin ang pagsilang ng ating dakilang Tagapagligtas na si Jesus. Higit sa mga makukulay na palamuti, nakakabinging kasayahan, masaganang pagkain at handaan, ating balikan ang tunay na diwa ng Pasko.

Ang tunay na diwa ng Pasko ay ang kapayapaan, pagmamahalan, pagbibigayan, pagpapatawad, pag-asa at kabutihan. Gayon na lamang ang pag-ibig ng Diyos Ama sa atin upang ibigay ang kanyang nag-iisang anak upang tubusin ang sangkatauhan mula sa pagkakasala. Wala nang hihigit pa sa dakilang pag-ibig ng Diyos Ama sa atin. Abala man tayo sa ating mga paghahanda at pagdiriwang, sana ay maging mas maganda at puspusan ang ating paghahanda sa ispiritwal na aspeto sapagkat hindi sa materyal at panandaliang bagay nasusukat ang ating kahandaan at pakikipagrelasyon sa Diyos Ama.

Sa Paskong ito dalangin ko at ng aking pamilya na maghari ang kapayapaan at pagmamahalan. Isantabi muna natin ang alitan at paghahati-hati.

Kalimutan muna natin ang samaan ng loob at poot sa ating mga puso. Bigyan natin ng pagkakataon na mamayani sa ating bansa at sanlibutan ang wagas na pagmamahalan. Matuto tayong magmahal ng tapat at walang hinihintay na kapalit gaya ng pag-ibig na inukol sa atin ng Diyos at ni Jesus. Nawa ay bigyan tayo ng lakas at dalisay na puso upang maging karapat-dapat tayo sa dakilang pag-ibig ng Diyos.

Maligayang Pasko sa lahat!

ABALA

ATING

BIGYAN

DIYOS

DIYOS AMA

GAYON

HIGIT

MALIGAYANG PASKO

PASKO

SA PASKONG

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with