^

PSN Opinyon

Editoryal - Kahina-hinalang charity foundation

-
HINDI lamang ngayon lumutang ang tungkol sa mga foundation na kumamal ng milyong pisong donasyon. Noong panahon ni dating President Joseph, lumitaw ang Erap Youth Muslim Foundation na pinaghihinalaang pinagdadalhan ng mga nakokolektang pera sa jueteng. Bumagsak si Estrada subalit ang misteryong nasa likod ng EYMF ay malaking katanungan. Nananatiling lihim ang tunay na layunin ng foundation. Maski yata ang mga kabataang Muslim ay hindi nalalaman na meron silang ganitong foundation.

Pagkatapos ng EYMF ay ang Lualhati Foundation naman ang nagsasabog ngayon ng kontrobersiya. Nahalungkat ang tungkol sa Lualhati dahil sa mga pinasabog na akusasyon ni Bulacan Rep. Willie Villarama at Manila Rep. Mark Jimenez laban kay First Gentleman Mike Arroyo. Nagbigay umano ng P8 milyon si Jimenez sa Lualhati noong 1999. Ngayo’y nakatingin na ang Securities and Exchange Commission sa foundation at balak magharap ng multa dahil sa hindi nito paghaharap ng financial statements sa loob ng siyam na taon.

Ang Lualhati Foundation ay pinamumunuan ni Edgardo Manda, general manager ng Ninoy Aquino International Airport. Inamin ni Manda at maging ni FG Arroyo na tumanggap ang foundation ng P8 milyon mula kay Jimenez subalit ito anila ay lehitimong donasyon para sa kawanggawa. Wala umanong string attached.

Sinabi naman nina Villarama at Jimenez na ang pera ay suhol. Kung suhol para saan ay ito ang malaking katanungan. Pinaninindigan ng dalawang kongresista ang kanilang akusasyon laban kay FG Arroyo. Habang patuloy ang pagbabatuhan ng akusasyon, natutuliro naman ang taumbayan kung sino nga ba ang kanilang paniniwalaan. Ang pagbabangayan ay nakadaragdag sa nararamdamang kahirapan.

Sa pagkakahalungkat sa Lualhati Foundation ay sari-saring ispekulasyon na naman ang naglalabasan, wala rin itong ipinagkaiba sa Erap Youth Foundation na kababakasan ng corruption. Kahit na sinabi nina FG Arroyo at Manda na ito ay para sa kawanggawa at itinatag noon pang Vice President si President Gloria Macapagal-Arroyo, hindi madaling mapaniwala ang taumbayan. Marami ang nagdududa.

Nararapat magsagawa ng imbestigasyon ang Senado tungkol sa Lualhati Foundation para lumabas ang katotohanan. Hindi dapat mauwi sa wala ang imbestigasyon dito. Kailangang malaman kung sa kawanggawa nga ba napupunta ang donasyon o sa bulsa lamang ng mga nilalang na walang kabusugan sa pera.

vuukle comment

ANG LUALHATI FOUNDATION

BULACAN REP

EDGARDO MANDA

ERAP YOUTH FOUNDATION

ERAP YOUTH MUSLIM FOUNDATION

FIRST GENTLEMAN MIKE ARROYO

FOUNDATION

JIMENEZ

LUALHATI

LUALHATI FOUNDATION

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with