Gen. Virtus Gil uupong PNP chief sa January?
December 23, 2002 | 12:00am
MUKHANG atat-na-atat na si Dep. Dir. Gen. Virtus Gil, ang chief of directorial staff ng Philippine National Police na palitan si PNP chief Dir. Gen. Hermogenes Ebdane Jr. Kasi nga kung ang mga pulis na kaalyado ni Gil ang paniniwalaan. Sa darating na Enero ay ang amo na nila ang uupong PNP chief, at ewan kung sa anong dahilan. Lumutang na naman ang pangalan ni Gil nitong mga nagdaang araw dahil sa balitang si Ebdane ay maagang lilisan at uupong bagong Secretary ng Transportation and Communication department kapalit ni Ret. Police Gen. Leandro Mendoza na lilipat naman sa Interior and Local Government department.
Ayon sa mga pulis na nakausap ko, si Gil ay pilit na inilalapit ang sarili kina Presidente Arroyo at First Gentleman Mike Arroyo. Si Gil pala ay palaging kausap ni Sir Mike sa Tagaytay samantalang ang kanyang asawa ay kumare naman ni GMA. Sobrang lakas ng kapit ah, di ba mga suki? Kung sabagay naging hepe na ng Manila police ang asawa ni Gil at gusto rin niyang maranasang maging PNP chief. He-he-he! Ano ba yan?
At hindi pa kuntento si Gil sa kanyang kapit. Sinabi ng mga pulis na nakausap ko na isinisiksik na rin niya ang kanyang sarili sa grupo ng powerful PMA Class 78 para lalong pag-ibayuhin ang kanyang tsansang mapalitan nga si Ebdane. Kasi nga itong PMA Class 78 ay naging instrumental para mapaupo si GMA sa puwesto. Malaki ang role nila sa EDSA-2 Peoples Power para mapatalsik si Erap na nakakulong na sa ngayon. Kaya kung magkaroon man ng sunud-sunod na putukan o bombings sa darating na mga araw, huwag kaagad sisihin ang terorista. Maaring kasama ito sa intramurals para magkaroon ng rigodon sa hanay ng Gabinete o pulisya, di ba mga suki?
Pero hindi lang si Gil ang may ambisyon na maging hepe ng PNP. Magiging mahigpit niyang karibal sina Dep. Dir. Gen. Reynaldo Velasco ang hepe ng NCRPO at Dep. Dir. Gen. Edgardo Aglipay, ang deputy chief for operations (DCO) naman ng PNP. Silang tatlo ay miyembro ng PMA Class 71 at kaklase nila itong sina Senators Ping Lacson at Gringo Honasan, na mga tinik naman sa lalamunan ni GMA. Hindi nakakasiguro ang tatlo dahil lumutang din kamakailan ang pangalan ng Medal of Valor awardee na si Dep. Dir. Gen. Florencio Fianza, ng center for transnational crime.
Hindi dapat maging kampante si Gil na makukuha na niya ang trono ng PNP bunga ng kanyang mga connections. Ang pinakamalapit niyang karibal ay si Velasco na kaalyado naman ni Mendoza sa Batangas block ng gobyerno. Ang Batangas block kasi ay nasa ilalim ng wing ni dating AFP chief Gen. Renato de Villa (ret.). Ang pinakamabigat sa kanila ay itong si Justice Secretary on-leave na si Hernani Perez nga. Ang balita kasi ng mga pulis na nakausap ko, package deal itong sina Mendoza at Velasco. Kapag si Mendoza ay uupong DILG Secretary kapalit ng pupugutan ng ulong si Joey Lina, ipipilit niyang isama sa buwenas niya itong si Velasco, na tanggap naman ng PNP rank-and-file, kabaligtaran naman ng mistah niyang si Gil.

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended
November 26, 2024 - 12:00am