Sen. Suklam
December 23, 2002 | 12:00am
KASUKLAM-SUKLAM na talaga ang gawi ng mga Oposisyong senador. At di ko tinutukoy ang walang-pakundangang paglisan sa kanila ni Blas Ople dahil hayok maging foreign secretary. Bale wala pa yan, bagamat pina-i-impeach ni Ople sina nooy Bise Presidente Gloria Arroyo at Sen. Tito Guingona dahil sa jueteng exposé laban kay Joseph Estrada.
Malala ang iba. Miski di ka maka-Administrasyon, magagalit ka.
Masdan si John Osmeña. Pinagsalita siya kamakailan sa business forum ng mahigit 100 CEO ng multinational firms tungkol sa trabahong-Senado. Puro pamumulitika roon, aniya. Pero hindi niya binanggit ang leadership coup nila nung Hunyo. Pinayuhan niya ang CEOs na mag-alsa-balutan na. Wala raw ganda sa negosyo habang nakaupo si GMA. Ilan kayang kumpanya ang magsasara at manggagawa ang male-layoff dahil sa payo ni Osmeña? Di ba para siyang Abu Sayyaf na nananakot sa negosyante sa pamamagitan ng pag-kidnap ng foreigners?
Masdan si Ping Lacson. Sangkot aniya ang isang tao ni Sen. Ralph Recto at si Baby Arenas sa pagpatay kay Supt. John Campos. Nakaburol ang asawa ni Gng. Arenas nang magpuputak si Lacson. Hangga ngayon hindi sumusumpa sa kahit anong affidavit ang dating hepe ng PNP.
Masdan sina Nene Pimentel at Tessie Oreta. Nang iutos ng Korte Suprema i-refund ang Meralco overcharges, nagmiting ang Lopezes at si GMA bilang pinaka-malalaking shareholders. Hawak ng gobyerno, 26%; Lopezes, 19%; parehong masasaktan sa refund. Banat agad ni Pimentel, brinaso ni GMA ang Lopezes para pasuportahin ang ABS-CBN sa 2004 campaign. Ngalngal naman ni Oreta na nagsasabwatan sina GMA at Lopezes laban sa Meralco customers.
Masdan si Ed Angara. Nung una, nagpayo kay GMA na i-void ang Piatco contract kung may masilip miski isa lang onerous proviso. Ginawa nga yon ni GMA. Pero banat ngayon ni Angara, abusado raw si GMA sa pag-void ng contract. Pero huwag mo, 26 na onerous provisos ang nasilip ni Angara.
Nagtataka pa silang buwisit ang publiko sa puro pamumulitika.

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended
December 23, 2024 - 12:00am