Maligayang Pasko
December 22, 2002 | 12:00am
WALANG pinipiling panahon ang krimen. Mismong ako ay naging biktima sa panahon ng kapaskuhan nang patayin ang aking kapatid na si Boboy noong Disyembre 20, 1990.
Nagpasko kami sa ospital makapiling lamang ang isang naghihingalong mahal sa buhay?
Sadyang hindi mailalarawan ang pakiramdam ng isang pamilyang nawalan ng isang mahal sa buhay sa pagsapit ng Pasko. Matapos ang pitong araw ng pagkakaratay sa ospital, namatay din si Boboy. Mula noon ay naiba na ang takbo ng aming pamilya.
Hindi lamang ako ang dumanas ng ganitong mabigat na pagsubok. Marami pa sa ating mga kababayan. Ang masakit pa nga rito ay ang mga kaso ng mga ito ay hindi pa rin nabibigyan ng hustisya.
Bagamat naibigay ang hustisya kay Boboy noong 1997 matapos ang pitong taong paghihintay at pakikibaka ng aming pamilya, hindi ko matatalikuran ang katotohanan na hindi lamang kay Boboy nagtapos ang aking kampanya laban sa kasamaan. Ito ang naghudyat sa pagkakabuo ng isang puwersang magsusulong sa kapakanan ng mga biktima ng karahasan at katiwalian.
Kalunos-lunos at nakapanghihina na makita ang isang pamilyang nagluluksa sa pagsapit ng Pasko. Hindi lamang ang aming pamilya ang nakaranas ng ganitong malungkot na pangyayari kung saan pinatay ang mahal sa buhay. Ngunit hindi natin makukuwestiyon ang anumang plano ng Diyos para sa atin. Ang tanging magagawa natin ay ang manalangin at makipaglaban para sa ating mga sariling karapatan. Sa paggunita ng kapaskuhan, isama natin sa ating mga dalangin ang kapakanan ng mga pamilya ng mga biktima ng krimen. Naway dumating na rin ang hustisyang kanilang hinihintay.
Bagamat mabigat para sa marami sa atin ang pasok ng kapaskuhan ngayon bunga ng kahirapan, hindi natin maitatanggi na ang araw na ito ay isang panahon ng pagbabago.
Isang mabiyaya at makabuluhang Pasko po sa inyong lahat.

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended