^

PSN Opinyon

Nagkulang sa pag-iingat

IKAW AT ANG BATAS! - Jose C. Sison -
SI Jack, tubong Samar at isang negosyante, ay sumakay sa bus blg. 142 sa terminal ng Pasay na may dalang mga paninda para sa tindahan niya sa Samar. Ang nasabing bus ay nagbiyahe ng may sobrang pasahero. Nang papalapit na sa isang tulay sa Samar, nag-overtake ang bus sa iba pang bus. Dahil sa bilis, nahulog ang bus sa ilog. Namatay si Jack dahil sa pagkalunod.

Nagsampa ang asawa at ang mga anak ni Jack laban kay Gilbert at kompanya ng bus para sa pinsala. Hiniling nila ang P50,000 para sa bayad-pinsala sa pagkamatay ni Jack; P40,000 para sa bayad-pinsala dahil sa mga nasirang paninda at gastusin sa paglilibing; bayad na P1,660,000 para sa kikitain niya sa 75 taon; bayad-pinsalang moral na P50,000; bayad-pinsala P30,000 at bayad sa abogado.

Bilang depensa ni Gilbert at ng kompanya, ibinaling nila ang sisi sa gobyerno sa pagpapabaya nitong kumpunihin at ayusin ang sirang tulay. Iginiit din nila na si Jack ay dumaranas ng malubhang karamdaman bago pa man ang aksidente.

Sa desisyon ng RTC, may kontratang pampubliko sina Gilbert at ang kompanya na ihatid ang mga pasahero sa destinasyon ng matiwasay hanggang sa makakayang ingat. Hindi ito nagampanan ni Gilbert at ng kompanya nang ito ay nahulog sa ilog. Kaya dapat ang bayad-pinsala ay ibigay sa mga naulila ni Jack. Kinumpirma ng CA ang desisyon ng RTC subalit binawasan nito ang bayad-pinsala sa nawalang kita ni Jack na P796,000. Tama ba ang CA at ang RTC?

Tama.
Ang mga sasakyang pampubliko, dahil sa uri ng negosyo ng mga ito at dahil sa patakarang pampubliko, ay may tungkuling isagawa at di-karaniwang tiyaga at di-karaniwang pag-iingat sa mga kalakal at kaseguruhan at kaligtasan ng mga pasahero na inilalakbay nito, ayon sa lahat ng mga pangyayari sa bawat kaso. Kung namatay ang mga pasahero, ipinalalagay na nagkasala o naging pabaya ang sasakyang pampubliko, maliban na lamang kung kanilang mapatunayang gumawa sila ng di-karaniwang pag-iingat na itinatakda sa artikulo 1733 at 1755 ng Kodigo Sibil.

Sa kasong ito, hindi napatunayan ni Gilbert at ng kompanya ang di-karaniwang pag-iingat. Una, hindi nila ipinakita ang kakayahan sa pagmamaneho ng driver ng bus. Ikalawa, sobra ang pasahero ng bus. Ikatlo, sobrang bilis ang takbo nito. Maraming bus ang nilampasan nito bago pa makarating sa tulay at nang nasa tulay na, walang ingat na binilisan pa nito ang takbo. (Baritua et. al. Vs. Mercader, et. al. G.R. No. 136048 January 23, 2001).

vuukle comment

BARITUA

BAYAD

BILANG

BUS

DAHIL

JACK

KODIGO SIBIL

SAMAR

TAMA

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with