^

PSN Opinyon

The missing P8 million intel fund sa NAIA

ORA MISMO - Butch M. Quejada -
ILANG sleep na lang at Pasko na pero ang ilang kasapi ng Industrial Security Guard o mas kilala sa tawag na airport police na nakatalaga sa Ninoy Aquino International Airport ay naiiyak sa lungkot dahil umano sa misteryosong P8 million intel fund.

Nagsumbong sa mga kuwago ng ORA MISMO ilang industrial security guards ng makorner nila ang chief kuwago sa airport para humingi ng tulong sa kalungkutan at sama ng loob na dinadanas nila dahil wala na raw silang pakinabang sa missing P8 million intel fund puwera pa siyempre ang problema nila sa kanilang mga kabit este mali pamilya pala.

Sabi sa mga kuwago ng ORA MISMO, isang malaking palaisipan kung bakit napatid ang pagbibigay sa kanila ng tsapit mula sa P8 million intel fund na dati-rati’y namamantikaan ang mga nguso nila.

Ayon sa ilang industrial security guards na miyembro ng We Bulong group noong mga nakalipas na panahon nabibiyayaan sila ng pitsa galing sa intel fund lalo’t may problem sila sa kanilang mga family tulad halimbawa kung may sumakabilang bayan este mali buhay pala sa isa sa kanilang mga love ones may ibinibigay ang management galing sa intel fund mga P25,000 daw ito, ika nga pampalubag loob. Siyempre puwera dito ang kanilang mga betka kapag nadedo?

Marami pa silang benepisyong nakukuha sa kanilang bossing lalo’t galante ito pero ngayon kulangot at sipon na lamang daw ang kanilang nasasalat porke walang linaw silang naaninag na pitsa para makatulong man lamang sa kanilang problema kung mayroon man. Wala raw malasakit ang kanilang genie este mali bossing pala?

Noong araw maliit pa ang intel fund grabe ang tinatanggap nilang benefits galing sa MIAA management tulad ng P50.00 allowance at free tsibog kapag nasa alert status ang airport pero now no more ni isang kusing ay awanen.

Kaya kung anu-anong ispekulasyon ang naiisip nila kesyo may bagong sasakyan si bossing saan kinuha ang pambili kesyo P40,000 monthly daw ang rental fee sa bagong condo unit na inuupahan nito at kesyo may bahay daw na pinagagawa sa may San Lo kasi hindi na sila bagay sa bliss housing at ang matindi panay ang going abroad kasama ang pamilya na dati-rati ay hindi ito nagawa kasi alang pitsa ito noong araw?

‘‘Baka matindi ang obligasyon kay fat gentleman?’’ sabi ng kuwagong Kotong Cop.

‘‘Magpapasko, malapit na ang eleksiyon siyempre kailangan ng tsapit,’’ anang kuwagong hitad.

‘‘Siguro dapat malaman ni bossing ang kasabihang humayo kayo at maghatian?’’ natatawang sabi ng kuwagong SPO-10 sa Crame.

‘‘Sanay ka sa barya noon ngayon maleta ang inuuwi mong tsapit naka-ride ka sa mga brand new expensive vehicles?’’ sabi ng kuwagong SPO-10 sa Crame.

‘‘May alam nga akong isang mama diyan security bossing walang intel fund.’’

‘‘Si Boy Abono ba iyan?’’ Tanong ng kuwagong haliparot sa kabaret.

‘‘Hindi si Boy Bangketa kasi pirming nagkakamot ng ulo sa kalye.’’

‘‘Tiyak maraming bukol iyan.’’

‘‘Siyempre masuhin ka ba naman sa ulo siyempre puro bukol ang aabutin mo.’’

BOY BANGKETA

CRAME

FUND

INDUSTRIAL SECURITY GUARD

INTEL

KANILANG

KOTONG COP

NINOY AQUINO INTERNATIONAL AIRPORT

SAN LO

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with