Leksiyon sa kaso nina Villarama at Jimenez
December 21, 2002 | 12:00am
NAUBUSAN na yata ng kaibigan si Rep. Willie Villarama sapagkat wala man lamang nakapagpapayo na hintuan na niya ang pagtatalak ng wala namang matibay na basehan kundi makapag-ingay lamang. Hindi ba niya alam na para na siyang nasa kamunoy na nalulubog at nahahatak pa ang kanyang bossing na si Rep. Mark Jimenez? Namamaos na itong si Willie Boy, ayaw pa ring huminto.
Bumanat na naman ng kanyang privilege spit si Villarama. Noon daw na chief of staff pa siya ni GMA, siya raw ang personal witness na tumanggap si Mike Arroyo ng P18 milyon na galing kay Jimenez. Mali pa yata ang script sapagkat P8 milyon naman ang sabi ni Mark ang total na halagang naibigay niya kay Mike.
Sinagot ni Mike ang alegasyon. Sinabi nito na hindi napunta sa sarili niyang bulsa ang P8 milyon at hindi P18 milyon na ayon kay Villarama kundi sa Lualhati Foundation, isang organisasyon para tumulong sa mga mahihirap. Pa-martyr effect pa tuloy ang naging dating ni Mike sa taumbayan. Ganito rin ang nangyayari sa kaso ng dalawang kongresista laban kay DOJ Sec. Nani Perez.
O, ano ngayon ang naging labas mo, Willie Boy? Tameme. Bulaga. TKO. Bakit? Kasi wala kayong mga matibay na ebidensiya kundi putak na lang nang putak. Kung meron nga lamang mga maipakikitang maliwanag na katibayan si Villarama at Jimenez, aba, e, magiging bida silang talaga sa mata ng mamamayan. Pati mga taga-oposisyon ay magpi-piyesta. O, ayan, surrender na si Jimenez. Nakipag-ayos na siya na magtungo na sa US upang harapin ang kanyang mga kaso.
Ang nangyayari kay Jimenez at Villarama ay maging leksiyon na sana sa mga pulitiko at kahit na kanino kasama na ang tinaguriang mga whistleblower. Siguruhing hindi kakikitaan ng katiting na butas ang isasampang kaso ng katiwalian laban sa mga nanunungkulan o may koneksiyon sa ating pamahalaan. At kung maaari lamang, sa lehitimong Korte na kaagad deretso ang kaso at hindi nauuna ang media at iba pa.

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended