^

PSN Opinyon

Iligtas ang Manila Bay

BANTAY KAPWA - Cielito Mahal Del Mundo -
ANG Manila Bay na kung saan ay matutunghayan ang world famous Manila sunset ay unti-unting lumulubog sa dami ng basura. Napatunayan na lahat ng ilog kabilang na ang Pasig River at mga estero sa Metro Manila na naglalabas ng tubig sa Manila Bay ay patay na.

Kamakailan ay iniutos ng Imus Regional Trial Court sa pamamagitan ni Judge Lucinito Tagle na linisin ang Manila Bay.

Isang grupo ng mga environmentalists at concerned citizens ang naghain ng demanda sa 12 ahensiya ng gobyerno kabilang na ang DENR, NWSA, DPWH at DepEd, na nagdudulot ng polusyon sa Manila Bay. Napag-alaman mula sa Laguna Lake Development Authority (LLDA) na 733 kompanya ang naglalabas ng dumi at nakalalasong kemikal at ito’y inaanod sa karagatan. Kahit maraming iskuwater na pinaalis sa pampang ng Ilog Pasig at mga estero ay tatagal pa ng 15 taon ang rehabilitation program ng Pasig River.

Iilan lang ang sewerage treatment facility ng gobyerno subalit ang mga tauhan ng MMDA ay tuloy pa rin sa paglilinis ng basura sa mga estero. Hindi lamang ang gobyerno kundi mga pribadong sektor at mga mamamayan ang dapat na kumilos para mapanumbalik ang kalinisan sa ating karagatan.

vuukle comment

IILAN

ILOG PASIG

IMUS REGIONAL TRIAL COURT

ISANG

JUDGE LUCINITO TAGLE

LAGUNA LAKE DEVELOPMENT AUTHORITY

MANILA BAY

METRO MANILA

PASIG RIVER

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with