^

PSN Opinyon

Sideline sa PNP

SAPOL - Jarius Bondoc -
SABI na nga ba, PNP intelligence officer ang source ng Australian at Canadian embassies ng plot na bobombahin sila ng terrorists. At sabi na nga ba, suma-sideline lang ang officer na ’yon dahil magpa-Pasko.

Hindi akalain ng Manila police officer na magsasara ang embassies sa takot sa report niya. Nasira ang turismo at imahe ng Pilipinas sa ginawa niya. Nagsilisan ang Australians, Canadian at Europeans sa takot. Sinaway ang mga papunta pa lang sa Maynila na tumuloy.

Salsal, sa salitang diyaryo, ang ginawa ng officer. Nag-imbento siya ng report na mag-iiwan ng car bombs ang Islamic extremists sa buildings sa Makati na inuupahan ng embassies. Para kunong sa Bali, Indonesia, kung saan halos 200 ang namatay. Nilagyan pa ng pangalan ng umano’y lider ng terrorists: Akmed. Tapos, imbis na i-submit sa superior officers, dineretso ang ‘‘summary of information’’ sa security chiefs ng embassies. Ni walang pirma. Nagpauto naman ang security chiefs. Ni-report sa kani-kanilang ambassadors, na napalundag sa upuan at ipinadala ang report sa kani-kanilang foreign minister. Hayan, naipit ang mga visa applicants para magtrabaho at mag-migrate sa Australia at Canada.

Lumang estilo na ’yang fake intelligence reports ukol sa terorismo. Kahit batang musmos, kayang mag-imbento ng plot kuno. Lagyan lang ng mga pangalang Abdul o Mohammad na galing kuno sa Cotabato o Sulu, talo-talo na. Bulong ng superiors sa Manila police, $500 ang ibinayad ng Australian embassy sa may-akda ng fake report.

Pati Malacañang officials, nagiging biktima ng fake intel reports. May mga lokong PNP at AFP officers na bumubulong na nakadiskubre sila ng umano’y coup plot. Nagbibigay naman ng daan-daang libong piso ang Malacañang officials para ipa-follow up sa officers ang report. ’Yun pala, nalansi lang sila.

Bakit nangyayari ’yan sa intel community? Kasi, kulang sa higpit ang mga hepe ng PNP at AFP. Pero mas malalim na sanhi’y kadupangan ng officers sa pera. ’Yung Manila policeman na kumoryente sa embassies, nasanay sa masarap na buhay sa Central Luzon. Manloloko na ngayon.

ABDUL

AKMED

BAKIT

BULONG

CENTRAL LUZON

COTABATO

HAYAN

KAHIT

PATI MALACA

YUNG MANILA

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with