^

PSN Opinyon

Socialte, madalas pa ring dalawin ng dating opisyal ng pamahalaan

BALITANG SPECIAL - Deo Macalma -
ALAM n’yo bang madalas pa ring dumalaw ang isang dating mataas na opisyal ng pamahalaan sa isang kilalang socialite?

Ayon sa aking bubuwit, six days na lang at Pasko na.

Happy birthday muna kay Defense Undersecretary Tony Santos, Judge Zenaida Laguilles ng Pasay City RTC; Symon Soller, Edward Subarba Jr., Perio Vineles, Bener Baltazar at Michael Diez ng MBC.
* * *
Alam n’yo bang pasimple pa ring dumadalaw ang dating top government official sa kanyang chiching?

Ayon sa aking bubuwit, noong December 10, 2002, dakong alas-5:30 PM ay nakitang dumalaw si Sir sa Mayfair Condominium, Perea St., Makati City. Sa likod ng condo dumaan si Sir.

Kasi kung sa harapan, kitang-kita nga naman siya sa may Perea St.
* * *
Ayon sa aking bubuwit, kahit sa likod pa ng Mayfair Condominium dumaan si Sir, buking pa rin siya.

Kasi napaka-obvious naman ng kanyang escort. Merong isang motorcycle cop at meron pang mga bodyguard na sakay naman sa dalawang Nissan Safari. Ang plate number ng Nissan Safari ng mga bodyguard ni Sir ay SDZ-907 at ’yung isa naman ay SDZ-914.

Ayon sa aking bubuwit, ang socialite na dinadalaw ng dating top government official ay walang iba kundi si…

Siya ay nagtangka ring pumasok sa pulitika kaya lang ay minalas. Siya ay maputi at may mahabang buhok. May edad na pero may asim pa rin. Siya ay walang iba kundi si Ms. B. as in Brandy.

Ang kanyang lover boy na dating opisyal ng pamahalaan ay walang iba kundi si Mr. E as in Emperador Brandy.

vuukle comment

AYON

BENER BALTAZAR

DEFENSE UNDERSECRETARY TONY SANTOS

EDWARD SUBARBA JR.

EMPERADOR BRANDY

MAYFAIR CONDOMINIUM

NISSAN SAFARI

PEREA ST.

SIYA

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with