Reklamo sa mga opisyal ng homeowner

Dear Sec. Mike Defensor,

Ako ay kabilang sa isang Homeowners Association (HOA) dito sa Quezon City. Ang aking problema ay tungkol sa hindi maayos na pamamalakad ng mga opisyal sa aming asosasyon. Marami na kaming reklamo laban sa aming mga opisyales kabilang na ang hindi maipaliwanag na paggasta sa aming pondo at mga proyektong hindi nila naipapatupad sa aming lugar.

Paano ba malulutas ang pang-aabuso ng aming mga opisyales. Ano ang inyong maipapayo sa aming problema? Maraming salamat.
J. ABREA

Ang maipapayo ko ay pag-usapan nang maayos ang inyong suliranin. Hinihikayat ko kayo na sa inyong mga pagpupulong ay pag-usapan ang kondisyon ng inyong asosasyon. Kung may probisyon sa By-Laws ng inyong HOA tungkol sa grievance machinery, dapat itong sundin. Sa mga internal affairs ng mga Homeowners ay mas makabubuti na dumaan muna ito sa tinatawag na grievance machinery upang maayos ito kaagad.

Kung sakaling hindi pa rin malutas ang inyong problema sa grievance machinery o kaya ay walang probisyon sa By-Laws tungkol dito, maaari ninyong dalhin ang inyong reklamo sa Housing ang Land Use Regulatory Board (HLURB). Ang HLURB ay ang ahensiya ng gobyerno na may kapangyarihang magdinig ng mga kasong may kinalaman sa mga HOA.

Ang tanggapan ng HLURB ay sa HLURB Bldg., Kalayaan Avenue, Diliman Quezon City.

Maraming salamat sa inyong pagtangkilik at patuloy na suporta sa PSN.

Show comments