Ayon sa aking bubuwit, walong araw na lang at Pasko na.
Happy birthday muna kay Symon Soller ng Jeremiah; MW Oscar Bunye, Bro. Feliciano Romero Jr., Nicasio Parpana, Tony Tuazon, Carling Lopez, Nita Idquival, Eric San Pedro at Cesar Basa ng MBC.
Dahil sa hirap ng buhay ngayon pati ang mga disenteng actress ay nagiging pokpok na rin.
Ayon sa aking bubuwit, ang madalas na maging customer ng apat na sexy actress ay anak ng isang opisyal ng pamahalaan. Kapag ipinatatawag ang mga sexy actress ay dinadala sa Lafayette Condominium sa Salcedo Village, Makati City.
Hindi ko alam kung magkano ang ibinabayad sa apat na sexy actress. Pero ang tinitiyak ng aking bubuwit mahal ang bayad. Hindi kakayanin ng katulad kong Ilokanong nakirmet.
Ang una ay isang actress-model. Maganda at sexy pa rin kahit meron na siyang mga anak. Siya ay dating misis ng isang PBA player. Siya ay walang iba kundi si Ms. F. as in Foxtrot.
Ang pangalawa, ay anak ng dating mataas na opisyal ng pamahalaan sa isang beteranang actress. Siya ay dating misis ng isang actor na merong kapansanan. Siya ay si Ms. P. as Pakasta.
Ang pangatlo ay maganda at sexy din. Siya ay actress model. Siya ay si Ms. V. as in Victoria.
At ang pang-apat naman ay isa ring maganda at seksing actress-model.
Naging model siya sa FHM magazine. Meron siyang malalaking bumpers. Siya ay walang iba kundi si Ms. J. as in Joy to the World.