Ang chewing gum ni Lakay Henio
December 17, 2002 | 12:00am
LAKAY Henio, ano yang nasa baywang mo? tanong ko. Kagagaling ni Lakay Henio sa bukid at nasalubong ko. Mayroon siyang maliit na lalagyan na nakatali sa kanyang baywang.
Yumuko siya at hinawakan ang lalagyan, Ito ang lalagyan ko ng nganga! Binuksan ang lalagyan at ipinakita ang mga laman.
Nakita ko ang buyo, ikmo, apog at nakita ko rin ang isang piraso ng sigarilyo at posporo.
Kumuha ng dahon ng ikmo si Lakay Henio at nilagyan ng konting apog at ng pinakamaliit na buyo at saka binilot at nginuya.
Ito ang aking chewing gum, sabi niya.
Pagkatapos ay nagbalot muli at ibinigay sa akin. Isinubo ko ngunit hindi nginunguya.
Nguya na Doktor, sabi ni Lakay Henio.
Nginuya ko ngunit hindi ko kaya. Iniluwa ko. Bumunghalit ng tawa si Lakay Henio.
Kayong mga doktor ay masyadong magaling sa pagbibigay sa amin ng mapait na mga gamot pero hindi ninyo kaya ang masarap na nganga. Iyan ang chewing gum namin dito sa nayon.
Hindi ako sumagot sapagkat mapakla pa ang aking bibig.

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest