Senador Ping, ang galing-galing mo naman
December 16, 2002 | 12:00am
TOTOO mga kaibigan. Ang galing-galing ni Sen. Ping. Napakagaling. Nag-anunsyo na may bombang pasasabugin si Sen. Ping nung hapon ng Biernes, ikalabing-tatlo ng Disyembre. Nag-antay ang tao, pati na ang inyong abang lingkod. Hindi pala bomba. Utot lamang. Bakit kamo? Eh, yung isinambulat mong balita sa pahayagang pinagsusulatan mo, inilabas na ng isang kilalang broadsheet. Sa lenguwahe ng mga peryodista, na-outscoop ka, Sen. Ping. Bomba pa ba yun? Rerun na lang siguro.
Sabagay, buti na rin at kung nalaman ko ang laman ng iyong bomba, bago mo inilabas, ako na mismo ang magsabi sa yo na WAG MO NANG GAWIN YAN! Hindi magandang tingnan dahil ikaw din ay idinadawit sa walang awang pagpaslang kay Supt. John Campos. Walang kasing tapang na tinalakay ni Sen. Ping Lacson ang mga posibilidad sa John Campos murder. Inisa-isa niya hanggang umabot sa sinasabi niyang, "hitting three birds with one stone." Bakit ba mga birdie ang pinag-uusapan natin dito. Bakit, Boy Abunda? Dahil ba sa kikay-kit ni Sen. Ping na itinampok mo sa ETC?
Alam mo Sen. Ping, wala akong galit sa yo. Isa ako sa mga unang nagsulat tungkol sa akusasyon sa yo ni Mary Ong, alyas Rosebud. Matutuwa ka siguro kung malaman mo na higit sa THREE HUNDRED THREE text messages ang natanggap ko na nagsasabi na wala kang kinalaman sa pagkamatay ni John Campos. Hindi na kita kinailangan tanungin kung meron kang kinalaman, basta binira ko na lang kung ano ang nakita kong mali.
Pero ngayon, ikaw naman ang nag-Ro-Rosebud yata, Sen. Ping.
Noong ikaw ay nasa gitna ng kaliwat kanang batikos at walang humpay na akusasyon sa narco-politics, kidnap for ransom, murder, money laundering, hinangaan kita na naging isang larawan ka ng isang matatag, matalino at maginoong tao. Walang kurap-mata o nginig man sa boses ng sinabi mo sa harap ng Senate Committee, "Your honor, if this were a bar of Justice, I would say, I rest my case..." Ang galing galing mo nun. Si Ping ay isang ganap na senador na talaga, sabi ko sa aking sarili. Anong nangyari ngayon?
I now accuse you of conduct unbecoming of a police officer and a gentleman. Most specially a Senator of the Republic. Why? Why, you ask me? Alam mo na yun, Sen. Ping.
Yung bomba mo ay punumpuno ng mga report na hindi naman beripikado. Teorya mo lamang ito. Sino ang source mo ngayong patay na si Supt. John Campos? Si Choly Cabanban? Di bat nasa pangangalaga nyo si Cabanban ngayon? Para ikaw ngayon, lumantad at magsabi na si Ernest Escaller ay nagtangkang nanuhol ng P10 milyon kay John Campos para bumaligtad at magsabi ng mga bagay na maglulubog sa yo, sa mga ipinaratang sa yo, hindi yata ayos yan. Nililinis mo ang sarii mo habang nanlulubog ka ng iba.
Anong dahilan para magsuhol si Ernest Escaller kay Campos? Sabi mo para sirain ka, dahil sa darating na 2004 elections. Bakit, napili ka na bang standard bearer ng iyong partido? Paano si FPJ? Si Sen. Edong Angara? Unbeatable ka na ba? Suhol na P10 milyon ang istoryang inilalako mo?
Ang pagsuhol, o bribery, ay kadalasang ginagawa yan, dahil illegal, sa isang pribadong pamamaraan.
Ilegal yan kayat itoy ikinukubli. Sa bomba ni Sen. Ping, sabi niya na kaharap daw si Choly Cabanban at isa pang taong hindi na niya pinangalanan nang ginawa ang pagsuhol. Wow, Sen. Ping, YOURE TURNING ME ON!
Sino naman itong Poncio Pilato na si Ernest Escaller na ito, para ilublob ang kanyang daliri sa putik ng pulitika at ilantad ang kanyang sarili para maging target ng mga hitmen? Sabi mo, ginawa ni Escaller yun para mabaon ang isyu ng "two milyon dollar man" na si Nani Perez.
Tatlong beses daw inimbitahan ni Ernest Escaller si John Campos sa kanyang bahay sa Tagaytay. Lumalayo na yata tayo Sen. Ping. Huwag kang magpadala sa pagtipa ng makinilya. Masarap magsulat ng column pero sa ginawa mo, nilabag mo ang unang utos sa pamamahayag. One basic tenet, sir, "never use your column for your personal gain."
Oo, naniniwala ako na hindi nga siguro ikaw ang nagpapatay kay John Campos. Hindi mo puwedeng kainin ang sarili mong laman, ang sarili mong tauhan. Antayin mo na lang at marami ang magtatanggol sa yo. Hindi ganitong banat, Sen. Ping. Hindi personal ang puna ko sa yo ngayon. Subalit galing na rin sa bibig mo, "ang problema, hindi na tayo imbestigador at nagkataong kalaban pa tayo ng administrasyon kaya malamang hindi pansinin ng PNP ang ganitong teorya hinggil sa Campos murder." Ayon, alam mo na pala. Pero yan kaya ang dahilan? O baka naman nagpi-finger pointing ka na Sen. Ping? Sayang, naging PNP Director General ka. Isa pang bagay na hindi ko matanggap. Once an investigator, you will always remain to be an investigator. Hindi mo nakakalimutan yan. Nasa dugot laman mo yan. Kung totoo ito, hindi mo pala magampanan ang paglutas ng problema ng peace and order sa ating bansa kapag naging President ka sa 2004. Yan pa naman ang selling point mo. Kapag nanalo ka, hindi mo magagampanan dahil sabi mo na, hindi ka na imbestigador. Teka, nagkakalasan yata ang mga boto ng mga mayayamang Chinese.
Kilala ko kayong lahat. Personal na kilala. Ikaw Sen. Ping, mula pa nung humingi ka ng tulong sa akin sa Philippine Journalists, Inc., at ipinakilala ko sa iyo sina Fred Marquez ng Peoples Tonight (SLN), si Tony Mortel ng Peoples Journal (SLN), Editor ng Balita, Editor ng Philippine Journal Broadsheet, at si Louie Camino, na ngayoy Metro Editor ng Daily Inquirer. Si Alex Allan ang Executive Editor ng PJI, nandun din. Kasagsagan ng Kuratong Baleleng Case. Problemado ka nun, Sen. Ping. Nakalimutan mo na ba?
Si Johnny Borromeo ang nagpakilala sa ating dalawa. Naalala mo pa ba si Johnny? Tapat sa yo yun. Nagpakamatay nga lang dahil hindi na nakaya ang hirap ng buhay. Tinulungan mo ba Sen. Ping. Oops, teka, wala palang personalan. Kaya hindi ko na rin babanggitin ang meeting na hingi mo sa akin sa Pavillion, sa isang Chinese restaurant kung saan mo ipinakilala si Charlie "Atong" Ang. At pati na rin yung mga meeting natin sa Furusato na kasama naman si Chief Superintendent Michael Ray Aquino. Huwag din nating kalimutan si Chief Superintendent Cesar Mancao. Yung meeting natin sa Heritage Hotel kasama si Chief Superintendent Romeo Sales at Director Dick De Leon. Yung ilang ulit mo kong pinuntahan sa Dulcinea, malapit sa ABS-CBN, at walang imik kang nag-antay sa parking lot, sa loob ng iyong two door na pulang M-Benz dahil hindi pa tapos ang program ko sa DZMM. Sige, Sen. Ping, gusto mong sabihin ko ang mga pinag-usapan natin dun? Wag na lang. Dito lang tayo sa bombang (utot palang) pinasabog mo. Iwan natin ang talakayan sa ganitong antas.
Kilala ko kayong lahat. Iba ang samahan ninyo ni Chief Superintendent Reynaldo Acop (isang napakamakumbabang tao), Superintendent Francisco Villaroman at ang kawawang pinaslang na si John Campos. Iba ang mga pinagsamahan ninyo. Walang makakagiba nito.
Ernest Escaller kahit merong dalawa pang tao kaharap, mag-alok ng P10 milyon kay John Campos para bumaligtad laban sa yo. Nagpapakamatay na yata si Ernest Escaller. Oo, siguro inimbita ni Escaller si Campos sa Tagaytay. Para mag-Hudas sa yo? Ewan natin? Wala na si Campos.
Sino at ano ba si Escaller? Si Choly Cabanban ay umamin na "gay" siya. Si Escaller, ano ba siya, Sen. Ping? Lalaki ba siya, babae, o ano ba ang kasarian nitong taong ito?
Bakit hindi mo sabihin sa publiko. Tutal, ang dami mo ng nakuhang impormasyon. Si Ernest Escaller ay kilalang banker at patron of the arts. Nung gala night ng Broadway show ni Lea Salonga, magkatabi sila ni Justice Undersecretary Dondi Teehankee. Walang masama dun. Bakit naman siya sasali sa gulo ng lahat ng ito. Hindi ba ngat tumakbo na parang asong nakabahag ang buntot papuntang Amerika?
Ang layunin mo ba Sen. Ping sa bomba mo ay para lumayo sa iyo ang imbestigasyon? Manahimik ka na lang at mag-antay. Wala pa naman. At sa nakikita ko, wala rin yatang mangyayari sa imbestigasyon sa John Campos murder. WAG NAMAN SANA.
Pang wakas kong hiling kay dating Chief PNP, paki-pangalanan mo nga yung senador na tinutukoy mo at yung socialite, kung talagang matapang ka at totoo ang sinasabi mo.
Sa aking pagtatapos, hindi kaya panay ang patawag ni Escaller kay John Campos dahil itoy isang matipuno, macho at magandang lalaki? Walang kinalaman sa iyo o sa pagbaligtad niya?
Personal na pabor kaya ang gusto ng (bading, ah este,) mamang ito kay John Campos? Kung totoo ngang nagtangkang magsuhulan, bakit tumagal ng ganito bago mo sinambulat? Irereport kaagad sa yo ni John Campos yan para maipagmalaki niya. Di ba, Sen. Ping? Tumatanda ka na ba Sen. Ping at nauunahan ka ng ibang dyaryo sa iyong eksklusibong bomba? Trabaho lang Sen. Ping walang personalan.
Kung kaya mong magbigay, kaya mo ring tumanggap. Alright, sir?
Mga reaksyon at comments, mag-text kayo sa 09179904918. Maari rin kayong tumawag sa 7788442 CALVENTO FILES.

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended