^

PSN Opinyon

Safe sa giyera

SAPOL - Jarius Bondoc -
BUTI na lang, si dating AFP chief Roy Cimatu ang hinirang na head ng Middle East Preparedness Team ng OFW’s pag naggiyera. Kailangan ng isang utak-heneral para sa kakaibang trabaho ng diplomat.

Nu’ng una kasi, ang plano ng ambassadors natin sa Middle East countries ay iuwi ang 1.2 milyon OFWs kapag nagbakbakan na ang US at Iraq. Kahibangan ’yon. Ani Cimatu, kulang ang eroplano sa buong mundo para itakas ang OFWs sa loob ng isang linggo. Kung meron mang eroplano, bilyon-bilyong dolyares ang magagasta. Mas mabuti i-relocate lang ang OFWs na maaring matamaan ng nuclear, biological o chemical weapons. Sang-ayon ang OFWs. Gastos na ngang umuwi, baka mawalan pa sila ng trabaho kung nag-AWOL.

Gumawa rin si Cimatu ng plano ukol sa bawat bansa, bawat work site, bawat OFW. Heneral kasi. Inaalam ang kalagayan ng kada sundalo.

Inaalala ni Cimatu nang husto ang 30,000 OFWs sa Israel, 60,000 sa Kuwait, at 780,000 sa Saudi Arabia. Ito rin kasi ang mga dinamay na bansa ni Saddam Hussein nu’ng unang Gulf War ng 1990. Buti na lang, hinga ni Cimatu, karamihan ng OFWs sa Israel ay caregivers. Bahagi ng pamilya ng amo ang trato sa kanila. Kasama sila mag-e-evacuate kung kailangan. Sa Kuwait, nanganganib ang OFWs na nagtatrabaho sa oil fields at dalawang US military bases. Gan’un din sa Saudi fields, limang US facilities, at daan-daang kumpanyang Amerikano at British. Ilalayo sila ni Cimatu sa ibang Filipino work camps sa mga bansang ’yon din.

Safe ang pasya ni Cimatu sa OFWs sa Jordan, Syria, Turkey, Iran, Bahrain, Qatar at United Arab Emirates. Walang away si Saddam sa mga ’yon. May konting girian sa Turkey. Pero may no-fly zone sa gawi roon ng Iraq na pinapatrolya ng NATO jets.

Ie-evacuate lang ni Cimatu ang 108 Pinoy sa Iraq mismo. Kasama ng 30 embassy staff, sila ang nanganganib mahagip ng mga bombang US. Nag-ensayo na sila lumisan. Tutungong Jordan. Kinausap ni Cimatu ang gobyerno doon na papasukin ang mga Pinoy bago isara ang border.

Kalmado ang OFWs. Alam nilang nasa mabuti silang kamay.

ANI CIMATU

CIMATU

GULF WAR

KASAMA

MIDDLE EAST

MIDDLE EAST PREPAREDNESS TEAM

OFWS

PINOY

ROY CIMATU

SA KUWAIT

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with