^

PSN Opinyon

Early Childhood Care: Sagot sa dumaraming bobo

- Al G. Pedroche -
AMININ natin. Dumarami ang mga Pilipinong bobo, at ito’y dala ng kahirapan. Hindi lamang dahil sa kawalan ng edukasyon kundi kakulangan sa tamang pagkain.

Sana, maipatupad nang maayos ang Republic Act 8980 o ang Early Childhood Care program. At ang programang ito’y puspusan daw sinusuportahan ni Presidente Gloria Macapagal-Arroyo. Katunayan, inatasan ng Pangulo ang Philippine Amusement and Gaming Corporation (PAGCOR) na maglaan ng P2 bilyon o P400 milyon taun-taon sa loob ng limang taon para sa pagpapatayo ng mga daycare centers sa mga dahop na lugar. Bahagi ito ng implementasyon ng programa.

At sang-ayon tayo sa Pangulo. Sa pagsilang pa lamang ng sanggol ay dapat na itong hubugin ng wasto sa pamamagitan ng tamang nutrisyon, kasunod ang tamang edukasyon.

Nakakabahala ang resulta ng pag-aaral ng World Bank. Pitong porsyento raw ng mga Pilipinong may edad na 15 taon pataas ay hindi marunong bumasa at sumulat. Higit naman sa 38 porsyento ang mga estudyante sa elementarya ang tumitigil ng pag-aaral bago makarating sa grade 6 samantalang 54 porsyento ang hindi nakapagtatapos ng high school!

Mabigat na problema ito dahil pera ang kailangan lalu pa’t namumroblema ang pamahalaan kung saan kukuha ng dagdag na revenue para sa kabang-bayan. Buti na lang at malaking pondo ang naibubuhos ng PAGCOR sa ganitong programa na ang nakataya ay ang kinabukasan ng bansa.

Isipin na lang na kung hindi maaagapan ang problemang ito, baka dumating ang panahon na puro bobo na ang mga Pilipinong naninirahan sa bansang ito. Ayaw nating mangyari iyan.

Dapat ding sawatain ang problema sa droga na hindi lamang mayayaman kundi mahihirap na bata at matanda ang binibiktima. Kahit mga batang lansangan na nagpapalimos sa daan ay makikitang sumisinghot ng rugby, marahil para makalimutan ang kumakalam nilang tiyan. Isa pa iyang dahilan kung bakit marami ang nasisiraan ng bait pagdating ng araw dahil niluluto ng rugby ang kanilang mga utak.

vuukle comment

AYAW

BAHAGI

EARLY CHILDHOOD CARE

PANGULO

PHILIPPINE AMUSEMENT AND GAMING CORPORATION

PILIPINONG

PRESIDENTE GLORIA MACAPAGAL-ARROYO

REPUBLIC ACT

WORLD BANK

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with