^

PSN Opinyon

EDITORYAL – Panibagong banta sa mga corrupt

-
KAPAG nasasaling ang damdamin ni President Gloria Macapagal-Arroyo tungkol sa uri ng kanyang pamamahala, maghahayag siya ng mga pagbabago o reporma at kasunod niyon ay ang panibagong banta na naman niya sa mga gumagawa ng katiwalian. Subalit sa dami ng mga pagbabanta at pagbabago, wala pa ring maramdaman ang lahat. Patuloy ang paghihirap sa maraming dako at laganap pa rin ang pangungurakot. Hindi pa rin maidiliber ang tamang serbisyo sa mahihirap.

Ang panibagong pagbabanta ni Mrs. Arroyo na may kinalaman sa uri ng kanyang pamamahala ay ginawa matapos ang 28th Philippine Business Conference (PBC) noong Huwebes. Sa pagtatapos ng PBC conference, tumimo ang suhestiyong "dapat ay magkaroon ng mabuting pamamahala, mapa-gobyerno at pribado upang malutas ang maraming problema ng bansa". Sinabi ni PBC chairman Peter Favila na pinili nila ang mabuting pamamahala sapagkat naalarma sila sa tumataas na insidente ng katiwalian sa maraming ahensiya ng gobyerno. Agad namang sinagot ni Mrs. Arroyo ang pahayag ng PBC sa pagsasabing dapat na tumulong ang business community upang matupad ang kanyang hangaring magkaroon ng matatag na republika. Ang pagtutulungan ay kailangan sa panahon ngayon na nakasakmal sa bansa ang krisis sa ekonomiya.

Ang pagbabagong isasagawa ni Mrs. Arroyo sa uri ng kanyang pamumuno ay nataon naman sa pagkakaroon niya ng bagong socio-economic planning secretary sa katauhan ni Romulo Neri. Si Neri ang pumalit kay Dante Canlas na umano’y sinibak ni Mrs. Arroyo. Hindi umano nagpakita ng kasiglahan si Canlas sa kanyang hinahawakang posisyon. Mahina at mabagal umano ang infrastructure policy nito, ayon sa report.

Hindi kaila na mabagal nga ang pag-unlad ng bansa at makikita ito sa patuloy na nararanasang kahirapan ng mamamayan. Bagamat isang ekonomista si Mrs. Arroyo, ang ekonomiya ng bansa ay nakadapa pa rin at hindi makabangon. At lalo pang nababaon sa kahirapan dahil sa walang katapusang pangungurakot ng mga taong gobyerno. Ang perang dapat ay gagamitin sa pagpapaunlad ng bansa ay nasu-shoot lamang sa bulsa ng mga walang kabusugang buwaya sa katihan.

Bagong patakaran sa pamamahala at bagong pagbabanta sa mga tiwali. Ito ang nakatakdang isagawa ni Mrs. Arroyo para magkaroon ng "matatag na republika". Ilang beses na bang sinabi ang ganito? Marami na. Sana sa pagkakataong ito’y magkaroon na ng katotohanan ang lahat at hindi pawang sa salita lamang. Sana para sa pagkakaroon ng mabuting pamamahala.

ARROYO

DANTE CANLAS

MRS. ARROYO

PETER FAVILA

PHILIPPINE BUSINESS CONFERENCE

PRESIDENT GLORIA MACAPAGAL-ARROYO

ROMULO NERI

SANA

SI NERI

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with