^

PSN Opinyon

Budhi ng tao ang baguhin, hindi sistema

- Al G. Pedroche -
USAP-USAPAN na naman ang "cha-cha" o charter change. Dapat daw repormahin ang Konstitusyong maraming depekto. Bakit ba tuwing nalalapit ang halalan sumusulpot ang usaping iyan? Napagdududahan tuloy ang Presidente na nais palawigin ang panunungkulan.

Pabor ako riyan kung ang layon ay gamutin ang mga kahinaan ng ating Saliganbatas. Pero kung ang layunin ay palitan ang sistema ng gobyerno, hindi ako pabor. Bakit sinisisi ang sistemang presidential sa masamang takbo ng gobyerno. Marami namang bansang presidential din pero maayos ang takbo. Sisihin ang mga umuugit ng gobyerno na tiwali at magnanakaw. Sisihin din ang mga mamamayang nanunuhol at nasusuhulan.

Presidential
man o parliamentary, kung ang mga umuugit dito’y maiitim ang budhi, masama rin ang magiging takbo ng pamahalaan. Sa kasalukuyang sistema, ang kandidato sa isang national position pati ang presidential candidate ay nangangampanya sa buong bansa. Yung mga mandaraya at maraming pera ay madaling bumili ng boto.

Sa parliamentary system, ang magtatalaga ng prime minister na siyang magiging head of government ay ang parliamento o ang Kongreso. Paano kung ang isang nag-aambisyong mag-prime minister ay makuwarta at corrupt ? Aba, mas madali yata ang vote buying dahil iilan lang ang susuhulan! Sa ngayon, kahit tinatayang 11-milyon ang mga botante, nabibili pa ang boto ng marami yun pa kayang iilan lang?

Huwag sistema ang palitan. Ang bulok at maitim na budhi ng mga nasa gobyerno ang dapat palitan. Pati budhi nating mga Pilipino. Dahil kung hindi tayo masusuhulan, walang manunuhol sa atin. Magbalik-loob na tayo sa Diyos bago tayo mag-swimming sa dagat-dagatang apoy!

Nagtataka ako kung bakit kahit bitay na ang parusa sa plunder o pandarambong sa kabang-yaman ng pamahalaan, marami pa ring mga kurakot sa gobyerno. Kasi alam nila na kung limpak-limpak ang kanilang kayamanan, kaya nilang suhulan pati ang hustisya!

BAKIT

DAHIL

DAPAT

DIYOS

HUWAG

KASI

KONGRESO

KUNG

SISIHIN

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with