EDITORYAL - Kailan mapupulbos ang Abu Sayyaf?
December 13, 2002 | 12:00am
KUNG inaakala nyong nalumpo na ng military ang Abu Sayyaf ay nagkakamali kayo. Buhay pa sila at patuloy na nag-iisip ng mga paraan kung paano pa papatay ng mga kawawang sibilyan. At ang kanilang masamang naiisip ngayon ay ang paglalagay ng bomba sa mga regalong pamasko. Ayon sa report, nakakumpiska ang military nang maraming blasting caps na nakakarga sa isang ferry boat sa Tawi-Tawi. Ito ang gagamitin ng Abu Sayyaf sa paggawa ng mga improvised explosive devices na ilalagay sa loob ng mga Christmas gifts o packages.
Ang Abu Sayyaf ay matagal nang "tinik sa dibdib" ng bansang ito. Dahil sa kanila kaya biglang nanamlay ang turismo. Natakot ang mga turista na magpunta rito sa takot na makidnap sila at saka ipatutubos. Dalawamput isang dayuhan ang kanilang kinidnap sa Sipadan, Malaysia noong April 2000 at noong nakaraang taon, tatlong dayuhan na naman ang kanilang kinidnap sa Palawan. Sa kasalukuyan, nananatiling hawak pa ng mga bandido ang apat na babaing preachers ng Jehovahs Witnesses. Bukod sa apat na Pinay, hawak pa rin ng mga bandido ang ilang mangingisdang Indonesians.
Walang takot pumatay ang mga bandido. Pumapatay ng pari at maski babae ay hindi nila iginagalang. Si Fr. Roel Gallardo bago nila pinatay ay binunutan muna ng mga kuko. Tinapyasan naman nila ng suso ang isang babaing bihag samantalang ang dalawang lalaking guro ay pinugutan ng ulo at saka inilibing nang hanggang tuhod.
Ang mga bandido rin ang pumugot sa ulo ng Amerikanong si Guillermo Sobero. Si Sobero ay kasamahan ng mag-asawang Martin at Gracia Burnham na kinidnap sa Dos Palmas resort sa Palawan. Napatay si Martin nang i-rescue. Kamakalawa ay nahuli ang pumugot sa ulo ni Sobero.
Kailan nga ba mapupulbos ang Abu Sayyaf? Madalas sabihin ng gobyerno na wala nang kakayahan ang mga bandido na makapaghasik ng lagim. Anot ngayon ay marami pa silang binabalak para pumatay ng sibilyan?
Kung hindi mapuputol ang masamang gawain ng mga bandido, hindi malayong isipin na may kakutsaba nga sila sa military, gaya ng ibinulgar ng isang paring Katoliko. Marami nang nagawang kasalanan sa mamamayan ang mga bandido at dapat nang wakasan ang kanilang kasamaan. Pulbusin sila bago makapaminsalang muli!

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended