Ang lumagda ng memorandum of agreement sa pagitan ng SBMA at CWNFI ay sina Chairman Payumo at Roselyn Magsaysay. Sa kanilang mga mensahe, pinahalagahan ang ganda at kalinisan ng kapaligiran at ang mga biyaya buhat sa inang kalikasan. Nagpakawala ng maraming unity balloons at mga kalapati na tinaguriang doves for peace. Pinalakpakan ang mga awitin ng world famous Madrigal singers sa programa na ang emcee ay sina Ms. Pery Felarca Arkoncel at broadcaster Mario Garcia.
Maraming pinasalamatan si Mrs. Magsaysay kabilang na ang socio-civic leader na si Lolita Escobar Mirpuri na nangumbida sa mga foreign dignitaries at piling panauhin. Si Lolita E. Mirpuri ay adviser at nasa steering committee ng CWNFI. Dumalo rin sa makasaysayang kaganapan sa Subic sina Hyun Mo Park, chairman ng Filipino-Korean Cultural Foundation Inc.; Genie Kagawa, president ng All Nations Womens Group; Malou Alviar, Lali Tolentino, Martha Taylor, Gilda Abinchandani, Nena Navera, architect Oscar del Rosario at dating DENR Sec. Heherson Alvarez.