^

PSN Opinyon

Buwenas si Leo Ting na may-ari ng Classmate

BANAT NI BATUIGAS - Bening Batuigas -
ISANG malaking sampal sa administrasyon ni President Arroyo ang patuloy na operasyon ng Classmate KTV sa Quezon City. Maraming nagsasabi na ang establisimiyento na ito ay pugad ng high-class prostitution subalit hindi maikumpas ni GMA ang kanyang mga kamay para maipasara ito. Huhusgahan ka ng kapwa mo kababaehan sa darating na 2004 elections, President Arroyo, Ma’m dahil sa iyong kapabayaan. Maaaring gamitin ng oposisyon ang isyu ng Classmate para lalong dumapa ka at hindi na makaahon pa.

Pati ang ating kapulisan eh nagmukhang inutil kapag ang Classmate KTV ang pinag-uusapan. Isang open-secret na kasi sa hanay ng ating pulisya na halos lahat ng opisyal ng PNP ay nakaapak na rito sa Classmate KTV na matatagpuan sa Quezon Blvd., at nakapag-firing na subalit nagbulag-bulagan lang sila. Kasi nga ang mga maliliit lang na pugad ng prostitusyon ang kaya nilang ipasara, di ba Interior Secretary Joey Lina Sir.

Kung sabagay, kung sa kampanya ni Lina sa jueteng natin ihahambing, mukhang hindi rin niya kayang tibagin itong operasyon ng Classmate KTV. Kasi sa jueteng, mga maliliit ding financier ang nakayanang arestuhin ng mga bataan ni Lina subalit nanatiling namamayagpag ang mga bigtime gambling lords na sina Bong Pineda, Tony Santos, Charing Magbuhos, Gani Cupcupin, Arman Sanchez at iba pa. Talagang walang lason ang laway ni Lina at alam ito ni Atty. Morga.

Kung itong nakaraang mga araw ang gagawing basehan, wala man lang unit ng pulisya ang dapat tingalain dahil halos ayaw nilang kumilos para ipatupad ang batas. Eh, mga pulis din mismo ang nagkukuwento sa akin ukol sa prostitution diyan sa Classmate KTV pero inamin nilang wala silang magic dahil may matataas pa sa kanila. He-he-he! Ibig sabihin may protector itong Classmate KTV na mataas na opisyal ng PNP, di ba mga suki? Sobrang buwenas nitong si Leo Ting, may-ari ng Classmate KTV at mukhang maayos ang linya niya kay Lina at mga pulis natin.

At sinisiguro kong aapaw na naman sa mga mahilig mag-firing ang Classmate KTV sa buwan na ito dahil sa nakalinya nilang promo at ang pinaka-highlight dito ay ang trip sa Estados Unidos. Tatlong round trip ticket ang nakalaan para sa sobrang buwenas na kustomer. Hamakin mo nagpalinis ka na ng tubo eh may pagkakataon ka pang magpalamig sa ibang bansa, di ba sobrang buwenas ’yan mga suki? At puwede ring manalo ng isang bote ng alak ang mga parukyano tuwing bibisita ito. Ang galing talaga ng utak nitong si Leo Ting, ’no mga suki?

Habang patuloy naman na tumatahimik si Lina, at ang kapulisan natin lalo na ang opisina ni Dep. Dir. Gen. Reynaldo Velasco, ang hepe ng NCRPO, lumalakas ang hinala ng sambayanan na kasama sila sa mahabang listahan ng ‘‘contact’’ ni Leo Ting. Kung sabagay, paano mo mari-raid itong Classmate KTV eh sigurado akong may nakapag-tip na kay Leo Ting bago isagawa ang pagsalakay dahil sa bigating koneksiyon niya. Ang tanong ko ngayon kay GMA, may pagbabago ba itong bansa natin?

ARMAN SANCHEZ

BONG PINEDA

CHARING MAGBUHOS

CLASSMATE

ESTADOS UNIDOS

GANI CUPCUPIN

KTV

LEO TING

PRESIDENT ARROYO

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with