Saksihan ang eksklusibong operasyon na magkasanib na puwersa ng BITAG Investigative Team at ng Traffic Management Group (TMG) laban sa mga miyembro ng KABATAS PRESS sa lansangan.
Sinubukan namin ang uri ng kamandag meron ang organisasyong ito na kinakakatakutan ng ilan dahil mga miyembro daw nito ay mga alagad ng batas.
Agad namin isinagawa ang operasyon matapos kaming ulanin ng reklamo sa pamamagitan ng aming text hotline. Hindi ko na puwedeng idetalye pa ang lahat sa kolum kong ito dahil ayaw kong mapre-empt ang aming programa sa telebisyon.
Para sa kaalaman ng lahat, ilegal ang paggamit ng KABATAS car plate, kapalit ng official plate na iniisyu ng Land Transportation Office (LTO). Base sa mga tips na aming natanggap, karamihan sa mga gumagamit ng plakang KABATAS ay mga high profile Chinese businessman o mga tsinoy sa China Town.
Sa nasabing operasyon, ipinairal ng TMG sa pakipagtulungan ng BITAG ang batas, Republic Act 4136 Sec. 31 laban sa paggamit ng ilegal na plaka ng KABATAS PRESS.
Estilo ng ilan sa mga nahuli namin, ay agad tatawag sa kanilang cellphone upang ipakausap kami sa mga opisyales nila. Agad tinangkang sungkitin ng isang colonel ng WPD ang isa sa mga nahuli namin.
Malas ng gagong colonel nakatagpo siya ng isang berdugo. Bigla siyang tumupi na parang maamong tupa nung malaman niyang ako na ang kanyang kausap sa telepono.
Tama yung reklamo ng ilan sa mga MMDA traffic enforcers maging ang ilan sa mga traffic policemen na lumapit sa amin. Mayayabang daw at arogante ang mga gumagamit ng plakang KABATAS PRESS.
Malakas ang loob ng mga miyembro ng KABATAS na lumabag ng batas trapiko. Kahit na sa mga lansangang no entry ay kanilang pinapasok. Maging ang mga no left turn sa kahabaan ng Edsa, walang pakundangang kanilang binabastardo.
Ang kanilang estilo ay iisa. Kapag nahuli, agad tatawagan ang kanilang padrino sa cellphone na kapwa nila miyembro o opisyal ng nasabing organisasyon. Napatunayan namin ito sa aming operasyon na inyong mapapanood. Abangan
E-mail us: bitagabc-5@yahoo.com/bahalasitulfo@hotmail.com