Pinaratangan ang mag-asawa sa pagkawala ng isang bisikletang may sidecar at isang kalang de gas sa loob ng Camp Alejo Santos na ang halagay P5,000 lang. Para makalusot lang sa responsibilidad ang mga pulis na itoy nagturo sila ng kahit sino at isinulat sa police blotter ang pangalan ng kawawang mag-asawa. Napaka-small time naman nito para sa sino mang legitimate reporter. Kahit corrupt ang isang reporter, hindi papatol sa ganyang petty theft. Lalong mahirap isipin na gagawin iyan ng sino man sa isang kampong natatanuran at iisa lang ang daraanang gate na heavily guarded.
At pinatunayan ng mga opisyal ng DENR sa Region 3 na ang mag-asawa na parehong reporters ay kasama nila sa isang aktibidad ng mga sandaling "ninakaw" ang bisikleta gaya ng nakasaad sa blotter,
Hindi makapagpaliwanag ang mga pulis kung bakit idinawit ang pangalan ng mag-asawa. The damage has been done. Tinatawagan ko ng pansin si Bulacan PNP Director, Sr. Supt. Felizardo Serapio, Jr. na disiplinahin ang mga tauhan niyang ito. Ang pulis ay may tungkuling pangalagaan ang kapakanan ng taumbayan at hindi manira ng reputasyon ng sino mang tao. O baka naman may galit sa mag-asawang reporters ang mga naturang pulis porke parehong walang sinasantong banatan sa kanilang panulat?
Nakainitan si Efren mula nang isulat niya sa PSN ang banta ng NPA na itumba ang maraming matataas na opisyal sa Bulacan, mula sa Governor hanggang sa mga Mayor dahil umano sa pagkakadawit sa jueteng at iba pang ilegal. Tumanggap siya ng sankatutak na death threat dahil dito. Baka naman ang nangyari ngayon ay bahagi ng benggansa ng ilang nasagasaang opisyal. Baka lang naman.
Iyan ba Col. Serapio ay kinukunsinti mo? Palagay koy hindi kung ikaw ay isang marangal na opisyal. Kaya kilos na po para ma-vindicate naman ang reporter namin at ang misis niya na napugayan ng dangal.