Editoryal - Palpak na hostage rescue
December 9, 2002 | 12:00am
HINDI na natuto ang Philippine National Police sa tamang pagsasalba ng buhay ng mga hostage victim. Noong Mayo ng kasalukuyang taon, hinostage ng umanoy isang drug addict ang batang si Dexter Balala habang nasa isang bus terminal sa Pasay City. Pinagsasaksak ng hostage taker si Dexter nang may 13 beses. Saka lamang kumilos ang mga pulis at pinagbabaril ang hostage taker subalit pati ang kawawang bata ay tinamaan. Nakabulagta na ang hostage taker ay binabaril pa at tinatamaan din ang bata. Ang pangyayari ay nagpakita lamang sa mga miyembro ng Pasay police na walang kamuwangan sa pagliligtas ng buhay. Ang pangyayaring iyon ay nagbunga para isailalim ang mga pulis Pasay sa tamang gagawin kung may nagaganap na hostage taking.
Subalit ang pangyayari sa Pasay ay naulit na naman noong Huwebes ng hapon sa Navotas. Isang 11-anyos na batang babae ang hinostage ng isang drug addict. Nakikipaglaro si Rachel Valeriano sa iba pang bata sa harap ng kanilang bahay sa Bgy. San Jose, Navotas, nang dakmain siya ni Bonifacio Francisco, 37, upang gawing shield. Hawak sa dibdib ang bata samantalang nakatutok sa likuran nito ang talim ng kutsilyo. Dinala ng addict ang bata sa Tabing Ilog at isinakay sa isang bangka. Nakamasid ang mga gimbal na magulang at kamag-anak ng bata. Nang saksakin ng addict ang bata ay saka lamang kumilos ang pulis na si SPO2 Edgardo de Guzman at pinaputukan ang hostage taker. Subalit sa pagsusuri ng medico legal, hindi ang mga saksak ng addict ang naging dahilan ng kamatayan ni Rachel kundi ang mga bala galing sa baril ni SPO2 de Guzman. May dalawang tama ng bala si Rachel sa likod at harap.
Isinisisi ng mga magulang ni Rachel ang pagkamatay ng kanilang anak sa mga SWAT team sapagkat hindi dumating ang mga ito sa takdang oras.
Isang buhay na naman ang nasayang dahil sa kapalpakan ng pulisya sa tamang pakikipagnegosasyon sa hostage taker. Oo ngat ang ginawa ni SPO2 de Guzman ay upang ma-neutralize si Francisco, subalit bakit pati ang hostage victim ay isinama niya. Dapat nang magkaroon ng seryoso at makabuluhang pagsasanay ang mga miyembro ng PNPsa ganitong mahigpit na sitwasyon. Ang buhay ng hostage victim ay dapat isaalang-alang. Dapat sumailalim sa pagsasanay ang mga pulis at gawin itong prayoridad ng PNP. Hindi na dapat maulit ang palpak na hostage rescue.

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest