^

PSN Opinyon

John Campos: Biktima ng narco-politics

KRUSADA - Dante L.A.Jimenez -
KALAT na ang balitang tatakbo raw sa pagka-Presidente sa 2004 si Sen. Ping Lacson. Muli na naman siyang laman ng mga pahayagan nitong mga huling araw. Lalo pang uminit ang isyu tungkol kay Lacson at ang kanyang kaugnayan sa ‘‘narco-politics,’’ matapos ang karumal-dumal na pagpatay kay Supt. John Campos sa isang kainan sa Parañaque City noong Huwebes ng madaling araw.

Matatandaan na si Campos ay isa sa mga pulis na idinawit ni Mary ‘‘Rosebud’’ Ong sa drug trafficking na kinasangkutan ni Lacson noong siya’y hepe ng PNP. Si Campos ay isa sa mga pinakamalapit kay Lacson.

Matapos ang pagpatay kay Campos, muling umigting ang pagpapalitan ng akusasyon nina Lacson at Ong. Sinabi ni Ong na nais nang bumaligtad ni Campos at isiwalat ang kanyang nalalaman tungkol sa mga gawain ni Lacson, ngunit tila nanaig sa kanya ang takot at pangamba.

Ayon naman kay Lacson, ang mga paratang ni Ong laban sa kanya ay gawa umano ng Malacañang upang sirain ang kanyang pangalan at hadlangan ang kanyang pagtakbo bilang Presidente.

Ngunit marami ang nagsasabi, maliban kay Ong, na ang pagpatay kay Campos ay isinagawa upang matiyak na walang magiging hadlang sa ambisyon ni Lacson sa pagka-Presidente.

Habang siya’y naninilbihan sa pulisya nakilala si Campos bilang ‘‘walking database’’ para sa PNP patungkol sa drug trafficking at iba pang mga kasong sinusuri ng pulisya.

Ang nalalaman umano ni Campos patungkol kay Lacson ay tila magsisilbing isang mitsa para sa maaaring pagkatalo ni Lacson sa halalan sa 2004.

Sa malagim na pagpatay kay Campos, maituturing nga kayang biktima siya ng narco-politics, na tawag sa pulitikang nakikinabang sa ipinagbabawal na gamot? Hindi na rin kaila sa atin na may mga pulitiko at mga opisyales sa ating pamahalaan ang naiugnay na sa droga, katulad ni Mayor Ronnie Mitra ng Panukulan, Quezon.

Kung totoo man ang hinalang ito, sana’y hindi naman mauwi ang ating mga kababayan sa paghalal ng mga taong may kaugnayan sa salot ng lipunan.

AYON

CAMPOS

JOHN CAMPOS

KAY

LACSON

MAYOR RONNIE MITRA

ONG

PING LACSON

SI CAMPOS

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with