^

PSN Opinyon

EDITORYAL - Hustisya kay Emily Dumlao

-
MASAKIT ang nangyari kay Supt. John Campos. Patraidor itong binaril habang kumakain sa isang food house noong Huwebes ng madaling araw. Ang madugong kamatayan ni Campos ay sumugat sa kanyang mga magulang at kapatid. Masakit mawalan ng anak at kapatid. Si Campos, ayon sa kanyang ina at mga kapatid, walang kasingbait at hindi nila akalain na magiging madugo ang kahahantungan nito. Si Campos, 37, ay graduate ng Philippine Military Academy at isa sa mga "bataan" ni dating Philippine National Police (PNP) chief at ngayo’y senador Panfilo Lacson. Inimbestigahan ng Senado si Lacson hinggil sa pagkakasangkot nito sa kidnapping, illegal drugs at money laundering na ibinulgar ni Mary Ong alyas Rosebud. Nasangkot din dito si Campos. Naging ka-live-in ni Campos si Rosebud.

Masakit ang kamatayan ni Campos. Sumusugat sa damdamin ng mga kaanak subalit mas masakit ang kamatayang nangyari kay Emily Dumlao. Si Emily, 27, cashier ng Tita Ghem’s pares-pares food house ay nadamay sa pagpatay kay Campos. Nang pagbabarilin ng armalite si Campos, isang bala ang tumama sa tiyan ni Emily. Sa isang iglap, ang pangarap ni Emily para sa mga magulang at kapatid ay naglaho.

Breadwinner si Emily. Ang kanyang mga magulang ay karaniwang magsasaka sa San Narciso, Zambales. Pito ang kanyang mga kapatid. Mabait na anak at kapatid, ni minsan umano ay hindi nagkulang sa pagpapadala ng pera si Emily sa probinsiya. Ang kanyang isipan ay nakatuon sa pagtulong sa kanyang mga magulang at kapatid. Nais niyang mabigyan ng magandang buhay ang mga ito. Pangarap na mapagtapos ng pag-aaral ang mga kapatid at nang makatakas sa kahirapan. Ngayong Pasko, ay marami sanang balak si Emily. Magkakaroon sila ng family reunion at magpapalitan ng regalo. Sa isang iglap ang pangarap ni Emily para sa kanyang pamilya ay biglang naglaho dahil sa walang kakuwenta-kuwentang kamatayan.

Iisa ang sigaw: Katarungan para kay John Campos at Emily Dumlao. Huwag hayaang ang pagpatay sa kanila ay mapabilang sa mga hindi nalutas na kaso. Ipakita ng pamahalaan na naisisilbi ang hustisya sa bansang ito. Isang hamon kay President Gloria Macapagal-Arroyo at matataas na opisyal ng Philippine National Police ang mabilisang paglutas sa kasong ito. Hustisya sa mga pinatay!

CAMPOS

EMILY

EMILY DUMLAO

JOHN CAMPOS

KANYANG

KAPATID

MARY ONG

PHILIPPINE NATIONAL POLICE

SI CAMPOS

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with